CHAPTER 8.5

1541 Words
DWIGHT "Where are you now?" tanong ni Dad sa kabilang linya.c"I'm on my way now," matipid kong sagot. "Ha! You dare lie to me?!cAlam ko kung nasaan ka ngayon, baka gusto mong pasabugin ko 'yang bahay kung saan ka nakaharap?" pagbabanta niya. Hindi na lang ako umimik 'saka ibinaba na ang tawag. Alam kong kapag nagsalita pa ako, tototohanin nito ang kan'yang banta. I know Dad, he's a f*ckng as*hole na walang ibang alam kung hindi ang manupulahin ang lahat para masunod ang gusto niya. 'Sh*t, hindi niya talaga ako tatantanan,' bulong ko habang mabilis na pumasok sa sasakyan at pinaandar ito. "Oi! Uso magdahan-dahan! Kung gusto mo nang mamatay, wag mo akong idamay Kamatayan, nagmamakaawa ako sa'yo!" paalala ni Keisha. Hindi ako umimik, wala akong panahon para do'n. Isa pa, sinisigurado ko namang nakatuon ang atensyon ko sa pagmmaneho kaya wag siyang masyadong kabahan d'yan. "Aba talag—" ani ya pero kaagad ko itong pinutol. "May hinahabol ako, so shut up," matipid at walang buhay kong sagot. "Tang*na mo! Wala akong pakialam kung may hinahabol ka o ano! Ang sa'kin lang naman, magdahan-dahan ka dahil mahal ko pa ang buhay ko, at wala akong balak na mamatay kasama ka!" iritableng sigaw niya. "Aye, aye," mapang-insulto kong sagot. Tumatagos sa tenga ko 'yong tinis ng boses ni Keisha kaya hinayaan ko na lang na masunod ang nais nito. Kahit medyo binagalan ko ang pagmamaneho nakarating pa rin kami kaagad sa mataas na building na pagmamay-ari ni Dad. "What?" tanong ko nang biglang matulala si Keisha sa nakikita niya. Sinenyasan ko kasi ito na lumabas na siya at nang hindi ito gumalaw at nagpatuloy lang sa kan'yang ginagawa, I assume na hindi siya sasama sa akin sa loob. Pero bago pa man ako makababa, hinablot nito ang aking damit dahilan para titigan ko siya nang masama. "Bakit tayo nandito? I know this building! Don't tell m---" bulalas niya na bigla-bigla na lang humihinto sa pagsasalita. "I'm afraid I can't answer your question, for now, dahil nagmamadali ako. Kung ayaw mong bumaba sa sasakyan ayos lang," sagot ko tapos lumabas na. Hindi ito pumayag na maiwan kaya lumabas din agad si Keisha tapos nagtago sa likod ko. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang dulo ng aking damit na para bang may kung anong masama sa pupuntahan namin. 'Is she a kid?' "Are you afraid? Don't worry, walang mananakit sa'yo dito. Ako lang," pang-iinsulto ko. Tumawa ako nang mahina noong biglang nalukot ang kan'yang mukha. "G*go!" malakas na bulong niya. Pagkapasok namin sa loob, tumambad sa amin ang maraming staffs para bumati. Hindi nila inaasahan na may kasama ako this time, kaya naman after nilang magbigay pugay, nagsimula silang magbulong-bulungan. Hindi naman na ako nagulat dahil kahit kasapi sila sa isa sa kinakatakutang Society, tao pa rin sila. At hindi mawawala 'yong pagiging chismoso/chismosa sa kanilang gawi. Sabi nga, bihisan mo man ang pulubi ng magandang damit, mangangamoy pa rin ito. "Keisha, kahit anong mangyari, wag kang lalabas ng kwarto. Dito ka lang kung gusto mong makalabas sa building na 'to ng buhay. Are we clear with that?" seryosong tanong ko after naming pumasok sa isang private room. Ako lang ang may access sa room na 'to kaya sigurado akong walang makakagalaw sa kan'ya habang wala ako. "Why? Don't f*ckng leave me! DInala-dala mo ako dito tapos iiwan mo ako! Why can't I sama na lang sa'yo?" seryoso rin niyang tanong pabalik. Natawa ako dahil una sa lahat hindi ko naman siya pinilit na sumama. In fact, inalok ko pa nga siya ng choice kung gusto niyang manatili sa loob ng sasakyan pero hindi siya pumayag. "Basta. May aasikasuhin lang ako saglit. Ano man ang marinig mo, wag kang lalabas," pagbabanta ko tapos iniwan na ito kahit hindi pa sumasagot. Sa aking paglabas, naghihintay na sa akin ang dalawang tauhan ni Dad. Gaya ng nakaugalian, pinosasan nila ang kamay ko tapos tinakpan ang aking mga mata. "This test will be going to take more time than the usual tests," pagpapaalala sa'kin. As usual walang kibo akong sumunod sa kanila papunta sa testing room. "Alright! You can go now but please, bakit niyo pa pinoposasan si, Dwight? He's a good boy now, next time, never do that 'kay?" ani Mama Flor. Siya ang nagbibigay ng tests sa'kin simula no'ng bata pa lang ako. Kaibigan siya ni Mom and matagal na siyang nagta-trabaho kay Dad. "Yes ma'am," sagot no'ng dalawa. After nilang tanggalin ang piring at posas, umalis na sila sa room at kami na lang ni Mama Flor ang natira sa loob. Kung nagtataka kayo kung bakit ang sagwa ng tawag ko sa kan'ya, I don't know either. Basta ang alam ko lang, once ibang pangalan ang itinawag ko sa kan'ya, she's going to be mad. And I hate to see that and swear you too. "Nakarating sa'kin na may bisita ka raw na dinala dito? What's your relationship with her? I see you're 17 na pala, going 18 if I am not mistaken. Kay bilis ng panahon ano Dwight?" mahabang lintana nito. Tumango na lang ako habang hinihintay ang kaniyang sensyas. "Dati-rati, kailangan ka pang kaladkarin ng Dad mo para pumasok sa room na 'to, natatandaan mo ba 'yon? Lumuluhod ka pa nga sa harap ko para hindi gawin ang mga palarong inihanda ko sa'yo noon. Hayyss, I missed those times, Dwight. Bakit kaya hindi ka na umiiyak sa harap ni Mama Flor? Gustong-gusto ko pa namang makita ang mga mata mong namumula. Ngayon, hindi na kailangan pang samahan ng dahas ang pagpunta mo dito right, Dwight? Sana next time, hindi lang dalawang beses ang pagbisita mo dito sa lab. Hmmmm, pwede kong i-propose 'yon sa Dad mo, gusto mo rin 'yon 'di ba?" ani ya. Again, tumango na lang ako kahit na hindi ko gusto 'yong pinagsasasabi niya. Ayaw ko na kasing humaba pa ang oras ng paglagi ko sa nakaksukang lugar na 'to. Isa pa, naghihintay ngayon si Keisha, baka mainip ang isang 'yon at ano ang gawin. "By the way, dahil hindi nagustuhan ng Dad mo na late ka, at may kasama ka pang unexpected guest, he suggested na doblehin ang lahat. Wala ka namang reklamo do'n, right?" tanong niya as if mahalaga 'yong desisyon ko. "Wala," matipid kong tugon. After kong sumagot, sumenyas ito na isuot ang lab gown dahil magsisimula na ang lahat. Nahahati sa tatlong session ang tests na kada dalawang beses sa isang taon kong ginagawa. Unang session ay tinatawag na PT (Poison tolerance) kung saan pakakainin o paiinumin ako ni Mama Flor ng isang uri ng lason, minsan nakahalo sa pagkain, o inumin at sa loob ng tatlong oras hihintayin niya kung anong magiging resulta no'n sa katawan ko. At dahil gaya ng sabi niya, doble ang parusang aabutin ko ngayon, kaya malamang sa malamang, twice ng normal dose ng lason ang ipapasok niya sa aking katawan. O 'di naman kaya, pumasok sa isip niya na pagsabaying ipainom sa akin ang dalawang magkaibang klaseng lason, depende sa kan'yang trip. "Don't worry Dwight, upgraded XMMT lang naman ang iinumin mo ngayon. Maraming kumukuha sa'tin ng gamot na 'yan, kaya mas mabuti nang mapag-aralan kung tatalab ba sa'yo o hindi," ani ya. Inilapag niya sa mesa ang isang baso ng orange juice, syempre may kasamang lason 'yon. Ang dahilan kung bakit laging may halo ang iniinom ko, baka raw kasi, hindi makayanan ng dila ko na i-take ng puro ang lason. Makalipas ang dalawang minuto, after kong maubos ang laman ng baso, wala pa akong nararamdaman. Pero pakatapos no'n, nagsimulang lumabo ang aking paningin. "Blurred vision, stomach ache, tolerable," ani ko. Report ko 'yon para malaman niya kung anong nararamdaman ko "Wow! Ano pa nga bang ie-expect ko sa susunod na tagapagmana ng H&S? If that's all, magpo- proceed na tayo sa second test. Mawawala din 'yang nararamdaman mo kapag ininom mo 'to. This is an antidote para sa XMMT, 'yong original version, and sa case mo tatalab agad 'yan," paliwanag niya. Kaagad kong ininom 'yon tapos naghintay ng ilang segundo bago humiga sa lab bed. Sa lahat ng test, eto ang kinakatakutan ko before, pero ngayon hindi na. Siguro dahil sanay na akong masaktan, physically, emotionally, mentally. Pakiramdam ko wala na akong pakiramdam. "Okay, Dwight, hingang malalim, bagong-bago ngayon ang mga gamit ko kaya kung ma-excite man ako, alam mo na ang gagawin 'kay?" ani ya. Ipinikit ko ang aking mga mata, the moment na tumama na sa balat ko ang karayom. After no'n, tuluyan nang nakasara ang mga mata ko. Hindi ako nawalan ng malay, ang gamot na itinurok sa akin ay nagparalisa sa talukap ng aking mata para hindi ito bumukas. Nararamdaman ko pa rin ang sakit, ang kaso lang hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa'kin dahil nakapikit ako. Simula pagkabata hanggang ngayon, ang tanging nagagawa ko lang kapag sumalang na ako sa test na 'to ay ang sumigaw nang sumigaw hanggang sa bumigay ang lalamunan ko. Ngayon, though, I can endure the pain, sumisigaw pa rin naman ako kahit alam kong walang tutulong sa akin no matter how loud my scream is. Walang magsasalba at mag-aalis sa'kin sa lugar na 'to dahil hangga't buhay ang mga walangkwenta kong mga magulang, hindi mawawala sa buhay ko ang pasakit na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD