KEISHA
"Can you shut your mouth? Kanina ka pa nasa loob ng sasakyan ko, hanggang ngayon hindi ka pa rin napapagod sa kakasalita," pagrereklamo ni Kamatayan.
Aba g*go ba siya?
Bigla akong natigilan saglit para titigan ito, like 'seriously?'
"Paano ako hindi titigil sa pagsasalita ah? Hindi mo ba alam na kidnapping 'tong ginagawa mong bwesit ka?! Kinaladkad mo lang naman ako papasok sa sasakyan mo tapos sasabihin mo sa akin ngayon na tumigil sa kakareklamo at kakaputak? Eh kung patigilin ko 'yang paghinga mo nang malaman mo kung sino ang kinaladkad mo?!" mahaba kong lintana.
"Ako na nga itong nagmamalasakit, may gana ka pang magreklamo. Mahirap humagilap ng sasakyan sa labas, hindi mo ba alam? Buti nga isinabay na kita. Kesa magreklamo ka d'yan, magpasalamat ka na lang," sagot nito na sinabayan din ang level of pagkainis ko. Nabigla naman ako nang magsalita ito ng pagkahaba. Well, akala ko kasi dahil pa-cool at mysterious type 'tong mokong na ito, hindi uso sa kan'ya ang magsalita ng marami. 'Yong tipong kala mo ay limited lang ang words na nasa utak niya.
"Wow naman ah! Okay, Thank you! Sana kunin kana ni Lord dahil sa pagmamalasakit mo! Na- appreciate ko talaga at hindi ako naperwisyo," sarkastiko kong sagot. Napailing na lang ito at ipinagpatuloy ang pagda-drive. Ako naman pinili na lang ding manahimik dahil halos mamalat na ang lalamunan ko sa kakasigaw.
Para malibang at patayin ang oras, nag-open na lang ako ng messager app para tingnan kong may chat ba ang bobitang si Sophia. Tsk, hindi ko pa rin siya napapatawad hanggang ngayon, utot niya! Kahit lumuhod siya sa harapan ko, kahit umiyak siya d'yan, wala akong pake! Hayyyss, ayaw ko na lang alalahanin sa ngayon dahil sobra-sobra nang stress ang inaabot ko sa demonyong nasa tabi ko.
-Xianne Zandra Tan
'Where are you now?'
'Kasama mo ba si Kamatayan?'
'Are you ok?'
'Answer me ASAP'(with crying emojis)
Nireplyan ko muna ang bruhang si Zandra dahil baka mamatay na 'yon sa kakaisip kung ano nang nangyari sa akin.
'I'm fine, wala pa namang nangyayari sa'king masama.'
Binack ko na 'yong message ni Zandra and tumambad sa akin ang isa pang unread message galing kay Venus. By the way, isa sa mga kasamahan ni Sophia sa BM society ang pokpokitang 'to. Ano na naman kaya ang pasabog niya? Tsk, malamang sa malamang napag-utusan na naman ito ni Sophia.
-Venus Raj
'Beshywap, punta ako sa bahay niyo ah? Okay lang naman sa'yo? Ay bakit pa ba ako nagpapaalam, hindi ka naman makakapalag na, hehehehe! By the way, wait na lang kita sa labas uwu?'(with puppy eyes emoji)
'Beshywap, aym irrr. Ingat ka papunta dito.'
'Bagal naman. 5 ang uwian niyo 'di ba? Wer na u?'
'Di ba uso sa'yo messenger? Mag-reply ka kapag nagbukas ka.'
'I dun know ur number bish hahays...'
Gag*ng 'to! Ano naman kaya gagawin niya sa bahay, tsk. At saka ang taray ahh! May pabago-bago pa siya ng name sa fibi! Daming alam ng pokpok! By the way mga mare, kung hindi niyo pa kilala ang babae sa septic tank, Vianca Sacramento po ang name niya. Venus lang talaga ang tawag sa ka'nya ni lolo boss dahil kasing tangkad niya raw si Venus Raj. Kaya ayon, nasanay na lang din ako na instead of Vianca, Venus na lang din ang tawag ko sa kan'ya. Gulat lang ako dahil sinamantala niya naman ang compliment ni lolo boss at 'yon ang ginawa niyang fibi name.
"Opppppsss! Hoy! Mali ka ng pinasukan! Baliw ka ba? 'Di ba sabi ko kakanan ka pagkalampas do'n sa kantong itinuro ko?" pagrereklamo ko. Gaya ng dati, hindi ito umimik at sinunod niya na lang ang utos ko. Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na rin kami sa wakas. Pagkababa ko sa sasakyan, hindi makapaniwala si Venus sa nakikita niya.
Linapitan ko ito tapos si Kamatayan, ayon tang*na, bida-bida rin kaya lumabas din sa sasakyan. Ang usapan namin hihintayin niya lang ako sa loob ng sasakyan pero heto siya ngayon, kulang na lang matunaw si Venus sa kakatitig niya. Hinila ni Venus ang braso ko tapos lumayo kami nang kaunti kay Kamatayan. Sinamaan ko ng tingin ang gungong dahil mukhang nagbabalak din itong susunod sa amin.
"What's the meaning of this Keisha? Bakit nandito si Dwight?" mahina at halos pabulong na tanong ni Venus.
Kumunot ang aking noo at saglit akong nag loading sa kan'yang tinuran.
Sino si Dwight?
"Dwight? You mean si Kamatayan?" tanong ko. "Oo! Dwight Ellise Alexander ang name niyan ano ka ba?! Pero wag mong ilihis ang usapan beshywap, bakit kayo magkasamang dalawa?" maligalig na tanong nito. Inirapan ko lang ito saka tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
"Ahh bakit kasama ko? Napakagaling lang naman kasing mangaladkad ng isa d'yan! Akala mo kung sinong Hari! Hindi ko nga rin alam kung bakit sumama-sama 'yang hunghang na 'yan eh, masyadong papampam! Ayaw niya talagang maging tahimik ang buhay ko kahit ilang oras man lang, at ang gusto niya, lagi niya akong nadedemonyo," pagpaparinig ko.
Hahahaha! Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para tumagos sa tenga ni Kamatayan at nang mahiya naman, while ito namang si Venus, hindi magkandaugaga sa paghatak ng braso ko para patigilin ako sa pagsasalita with matching pagngiwi pa. "What?" naguguluhang tanong ko sa kan'ya.
"Ano ka ba? Hindi ka ba natatakot do'n? He's a f*cking assassin for Pete's sake, Keisha! And take note, he's not just a f*cking normal thing, but an S class!" mahina pero alam nyo 'yon? Sumasabog siya while spitting.
"Ehhh, hindi ko alam 'yan ah! Ang alam ko lang kasi demonyo siya. Well, it doesn't matter to me, assassin man siya or ano, demonyo pa rin siya sa mga mata ko, period!" ani ko tapos naglakad na papunta sa pinto ng bahay.
Si Kamatayan? Ayon, hindi maipinta ang mukha dahil sa pagpaparinig ko kanina.
"Hoy! Dito ka lang sa labas ah! May usapan tayo! Kapag ikaw talaga pumalag pa, papasabugin ko 'yang bungo mo!" pananakot ko. Walang kibong tinarayan ako ng kumag habang naka-cross ang mga paa.
Aba naman talaga!
Sa mga magulang ng lalaking 'to, bakit niyo pa isinilang! Dapat ipinutok na lang ito sa pader!
"Uhm—excuse me," nahihiyang ani Venus bago pumasok sa bahay. Tsk, kala niya ata kakainin siya ng demonyo.
Pwe, matakot siya d'yan?
"Help me buang, tutal nandito ka naman din. By the way ano bang ipinunta mo rito?" tanong ko kay Venus. Liningon muna nito si Kamatayan sa labas tapos tumingin ulit sa akin.
"Kasi naman blinock mo ang number ni Ate Sophia kaya ayon, nagpapatulong sa akin na kumustahin ka. At saka ang sabi niya, dito muna raw ako tumira sa bahay niyo since ang mga magulang mo raw ay pumayag na naman ng hindi niya alam about sa paglipat mo nga sa Saint Augustus," mahabang paliwang nito. Buti nga sa bruhang 'yon! Dinaig niya pa sina Mom sa pagiging mausyoso pagdating sa buhay ko. Tsk! Paniguradong nangangati na 'yon na makausap sina Mom and Dad para sermunan.
"Buti naman at naisip niyang patirahin ka dito. O sya, bilisan mo't alam mo naman na maikli lang ang pasensya ng demonyo sa labas. Siguro itong mga 'to lang ang dadalhin ko," sabi ko tapos nagsimula na kaming mag-impake. Paminsan-minsan chinichika ako ni Venus, sinasapok ko na lang ang ulo niya para tumiklop ang bunganga. Kahit kailan kasi talaga napakadaldal. Siya lang ata ang dakilang hacker na sobrang maboka!
Salamat naman sa Panginoon at makalipas ang sampung minuto, lumabas na ako ng bahay. Si Venus? Taragis! Sa una lang pala magaling. Nagpaalam lang naman siyang maliligo raw kaya ako lang talaga ang mag-isang nag-ayos ng gamit ko. Nang makalabas na kami ng bahay, nadatnan namin ang demonyo na nakapameywang habang pinapatay kami sa kan'yang titig.
Taray ng baklang 'to! Kung hindi lang talaga masama ang ugali, baka na-inlove na ako sa kan'ya! Ibinabalandra ba naman ang makalaglag panty nitong tingun, susmaryosep, buti na lang makapit ang aking salawal.
"Alam mo sayang ka," mahinang ani ko, sapat na para marinig niya. Biglang kumunot ang noo ni Kamatayan dahilan para matawa ako.
"Hahahaha! Baka naman po p'wede mo akong tulungan dito mahal na Hari ano po? Sama-sama ka dyan! Ayan mag-ambag ka naman!" sigaw ko tapos sabay tapon ng isang malaking maleta sa kan'ya. Dalawa kasi 'tong dala ko. Hindi naman siya nagreklamo dahil alam niyo naman 'di ba? Ayaw niyang magsayang ng laway.
Pagkapasok namin sa sasakyan lumabas ulit ito nang mag-ring ang cellphone niya. Nabahala ko saglit dahil ngayon ko lang nakitang naalarma si Kamatayan. Pa'no ba naman kasi, no'ng nakita niya 'yong screen no'ng phone niya bigla itong nataranta na ewan.
Hmfp, pake ko ba sa kan'ya...
Hindi ko na problema kung may problema man siya. Ang dami mo nang iniisip Keisha, magsisiksik ka pa!