KEISHA "Vianca Sacramento walanghiya ka! Kailan pa ah! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa'kin?" sigaw ko. Kay aga-aga po, opo, at nanenermon na agad ako. Pa'no ba naman kasi, nakakasama ng loob dahil itong si Venus, eh, pumatol na pala kay Finn!!! Nakangiwi itong tumingin sa'kin at sinusubukang pakalmahin ang dugo ko. "Wag mo kong mahawak-hawakan ngayon, Vianca Sacramento! Hindi nakakatuwa, promise! Akala ko ba kapatid ang turing mo sa'kin pero marunong ka nang maglihim?" patuloy ko siyang sinusumbatan, pero mga mare galit-galitan lang naman ang peg natin ngayon. Ang totoo naman talaga eh, alam ko na na sila na ni Finn. Sinabi sa'kin ni taong palikpik kanina. Lumuhod pa nga ang buang no'ng umakting ako na hindi ako payag sa relasyon nilang dalawa, hahahahah! "Besh, sasabihin ko naman talag