DWIGHT "023016, confirmed location. Target secured. 023016, asking to shoot." Ito na ang huling araw para sa misyong burahin sa mundo si Intsik. Kapag natapos na ito, talagang magmamadali akong umuwi sa SAA, dahil hindi ko na kaya pang sikmurain na makasama sa kahit katiting na panahon ang buwitreng gurang na iyon. "045065, received. 023016, request granted." Tsk, akala ko, ako ang head ng misyong 'to, pero biglang nagbago ang isip ni dad at nag-presintang siya ang mamumuno bilang parusa sa pagkausap ko kina Finn sa gitna ng misyon. Naghintay ako ng sampung segundo, ikinalma muna ang daliri at pinakiramdaman ang paligid. Kakampi ko ba ang hangin? Tama na ba ang posisyon ko? Tatama ba ang bala sa target ko? "023026, fire!" Saglit kong inunat ang ulo ko after kong kalabitin ang ga