KEISHA
Pagkauwi ko sa bahay galing Saint Augustus, kaagad kong tinawagan si Sophia para sabihin dito ang nangyari kanina. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa hideout kasama ang kaniyang team, at dahil kakarating lang nila doon, wala akong pakialam kung pagod man siya sa byahe or what. Ang mahalaga sa'kin, mailabas ko 'tong bigat sa dibdib ko dahil kapag hindi, masisira ko 'tong bahay namin.
"Bwesit Sophia! Tang*na! Hindi ko inaasahan na makikita ko sa Saint Augustus ang mokong na 'yon!" inis kong sigaw. Syempre itong bobita kong kapatid walang clue kong sino ang tinutukoy ko.
Rerember the guy na humablot sa akin kanina? Yah! He is Vixel, pero ang totoo niyang pangalan talaga ay Vince Laurence De Castro. Hindi ko nga alam kong bakit gano'n ang tawag sa kaniya no'ng Hudas, at eto pa ah! Ang malala eh may katungkulan ang bobong 'yon at mataas ang posisyon niya sa Saint Augustus!
"Ano naman kung nando'n si Vince? Mabuti nga 'yon, medyo napanatag ako, knowing na may magbabantay na sa iyo sa SAA. Besides, you know each other for so long, kaya anong pino- problema mo d'yan?" ani Sophia. Susmi!! Palibhasa hindi niya alam kong ano ang sinapit ko sa kamay nina ni Zandra at Vince before!Tsk, wala kasi atang friends 'tong Sophia na 'to kaya hindi niya alam ang feeling ng ma-friendship over, at bigla na lang iwan sa ere.
Oo totoo naman na magkakaibigan kami nina Vince at Zandra, NOONG hindi pa ako demonyo mga mare. Pero naiinis na ako sa kanila, ay mali, kinamumuhian ko sila ngayon, dahil noong kailangan ko ng masasandalan, tsaka naman nila ako iniwan. Sige nga, kaibigan ba tawag do'n? Takte, magsama silang dalawa!
"Sinasabi ko sa iyong bruha ka, mas mabuti nang nando'n siya para hindi nagfo-focus ang atensyon mo kay Kamatayan. Speaking of the demon, baka naman Keisha naumpog na 'yang ulo mo at naisip mo na wala kang laban sa lalaking 'yon kaya kung maaari lamang eh tumigil-tigil ka na sa kakapantasyang masisira mo ang buhay ni Kamatayan dahil ikaw lang ang nagtutulak sa sarili mo sa hukay," sabi ni Sophia na nanermon pa. Ayan na naman siya, aguy!
Nang marinig ko 'yon, kulang na lang lahat ng gamit na mahawakan ko ay ipinagbabato ko sa sobrang inis. "Sinabi ko bang sermunan mo ako?" nanggigigil kong tugon. Ilang beses akong huminga nang malalim dahil grrrr, pakiramdam ko tatakasan na ako ng katinuan. No'ng malaman ko talaga na kaibigan pala ng demonyong 'yon si Vince, and worst kanang-kamay pa nga siya, hindi na bumaba ang dugo ko sa katawan. May nalalaman pa silang kanang-kanang kamay diyan, eh alalay lang naman ang ibig sabihin no'n.
"Hay nako! Pwede ba Keisha, ang dami mong reklamo sa buhay! Unang araw mo pa lang nga diyan sa Saint Augustus, hindi na mabilang 'yang pinuputak mo! Isa lang naman ang solusyon para hindi ka mai-stress eh at alam kong alam mo iyon. Kung ako sa iyo, umalis ka na d'yan sa school na 'yan at pumasok sa maayos na paaralan," suhestyon ng bruha.
Imbes na kumalma, kasi nga, kaya ko siya kinausap para man lang humupa kahit kaunti ang inis ko, mas lalo pa atang nadagdagan.
"Che! Namo Sophia! Ang dami mong sinasabi, wala namang ambag! Hindi ko talaga maintindihan kung ginagamit mo pa ang utak mong bobita ka! Hindi ko hinihingi at hinihiling 'yang sermon mo, for your information ah! Tsk, mukhang kakausapin ko na lang si Vince para makatikim ang mokong na iyon, baka sakaling gumaan pa ang pakiramdam ko. Bakit ba kita tinawagang bwesit ka!" ani ko.
"Hoy! Kung ano man ang binabalak mo, huwag mo nang ituloy! Binabalaan kita Keis—"
*Toot toot*
'Tsk, buhay ko 'to, tsaka malaki ang atraso no'ng dalawa sa akin!' bulong ko.
Well, maayos naman ang intensiyon ko kaya ko siya kakauspain. Pero syempre, dahil hindi ako pangkaraniwan, hindi rin pangkaraniwan ang ipapatikim ko sa kaniya. Kailangan ko ng paliwanag. Kasi hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko maririnig mula sa kaniya o sa kanila ni Zandra ang dahilan. Kailangan ko ng matinding rason kung bakit nila ako iniwan ng walang paalam!
Agad kong pinaharurot ang aking motor. Wala akong pakealam kung traffic dahil madali lang namang makalusot ang dala ko ngayon.
Napag-alaman ko sa kaklase ko kanina kung saan tumutuloy si Vince, hindi ako nahirapan sa bagay na 'yan dahil sikat ang mokong sa SAA. Napagtanto ko na sa dating bahay lang pala nila siya nakatira at buti na lang malapit lang iyon sa tinitirahan namin ngayon. Nang makarating na ako sa lugar ay malakas kong kinalampag ang kanilang pinto. Sorry, hindi sa akin uso ang door bell. Tsk.
Halos isang minuto kong ginawa 'yon bago niya ako tuluyang pagbuksan. Buti na lang talaga pinagbuksan na niya ako dahil mukhang ano mang oras ay bibigay na rin ang pinto nila. Napanganga ako nang tumambad sa akin ang half-naked na Vince. Tang*na, halos masuka ako sa tanawin na nakikita ng aking mga mata.
"Seriously? Vince? Nagbubukas ka ng pinto na gan'yan ang ayos?" iritable kong tanong. "What? Maayos naman ah? Hindi mo ba nagustuhan ang abs ko?" wala sa hulog na tugon nito. Bobo talaga kahit kailan!
"Whatever! At alam kong kahit anong sabihin ko, hindi ako mananalo sa iyo. Lugi eh! Kumpleto turnilyo ng utak ko samantalang 'yong iyo sobra-sobra!" sarkastiko kong ani. Tumalikod ako sakan'ya dahil nabu-bwesit ako lalo. "Magbihis ka na nga muna bago ka humarap sa akin dahil nakuuuu---" nanggigigil kong utos ngunit hindi sinunod ng buang.
Isang halakhak ang pinakawalan nito at agad hinablot ang aking braso dahilan para mapaharap akong muli sa kan'ya.
Aba! Talagang pangahas!!
*PAK*
Isang malutong na sampal ang tumama sa kan'yang mukha. Shutek! Binalaan ko na siya kaso matigas ang kan'yang ulo.
"At para san naman 'yun?" natatawang tanong nito. Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sagutin.
"Gusto ko lang," ani ko. Isang sampal ulit ang aking pinakawalan dahilan para mayanig ang ulo nito.
"At 'yan dahil iniwan niyo ako ni Zandra!" Hindi pa roon natatapos ang lahat at isa pang nagbabagang sampal ang tumama sa kanang pisngi nito. Sinigurado ko na special ang isang 'yon, kaya noong humalik ito sa kan'yang pisngi, talagang natagtag ang kan'yang kaluluwa.
"At 'yan dahil pinaghintay n'yo ako ng dalawang taon!" And that's it! Sa wakas nasabi ko na rin ang matagal na hinaing ng puso ko. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata kahit na satisfied ako sa ginawa ko.
Nagu-guilty ba ako sa pananakit ko kay Vince? O baka hanggang ngayon, affected pa rin ako sa ginawa nila sa akin?
Bago pa man tumulo ang luha sa aking mata, kaagad na ikinulong ako ni Vince sa kan'yang mga bisig.
Isantabi mo na lang Keisha na siya ay walang saplot pang itaas.
"I'm sorry Keish kung nawala ako bigla. I swear, hindi ko man masabi ngayon ang dahilan kung bakit, maniwala ka na lahat nang iyon ay para lang protektahan ka," ani ya.
"G*go! Hindi ko matatanggap 'yang sorry mo! At saka ako? Kailangan ng proteksiyon? Kanino? At para saan?" sunod- sunod kong tanong.
"I can't tell you now, pero darating din tayo sa puntong 'yan Keish," ani ya tapos mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. Sa sandaling iyon nakalimutan ko na wala siyang damit pang taas at tumutulo rin ang tubig mula sa buhok niya.
"Dont worry, ibabaon ko sa pinakailalim ng utak ko na muntik ng umiyak sa harap ko ang dakilang si Keisha Loreen Yu," bulong nito. Gusto ko siyang saktan, gusto kong paliguan siya ng bala sa katawan para lang mabawi 'yong pride na binabasag ngayon ni Vince. I'm strong, I don't need his comforting words.
Pero wala eh---
He still has a place in my heart. He's my best friend after all.