CHAPTER 4.5

2070 Words
KEISHA Bulung-bulungan at mga nanalisisk na mga mata ang sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate ng SAA. Bilib din naman talaga ako sa mga haters ko! Talagang gumigising sila nang maaga at inaabangan ang pagpasok ng Dyosa! Sige pagtinginan niyo ako mga hunghang! Tama 'yang ginawa niyo! Wala akong pakialam kung sa sobrang pagchi-chismisan eh maging bubuyog na kayo mamaya. Huwag na huwag niyo lang akong tatawanan porket naka- turtle neck at pantalon ako ngayon dahil makakatikim kayo ng isang malutong at nagbabagang sampal! Habang naglalakad at ninanamnam ang kanilang bulungan, may isang babae ang naglakas loob na lapitan ako. Pak! Ganda naman ng blush-on! Putok na putok! Anong kulay ba 'yan? Orange? Red? 'Di bale na, bet ko pa rin ang mala-clown niyang awra. Tinaasan ako ng kilay ng bobita. Aba! Hindi naman din ako nagpakabog at pinatulan ko rin ito kaya ngayon, nagpataasan kami ng kilay na dalawa. " 'Yan ang napala mo sa pagkalaban kay Kamatayan!" mataray na sabi no'ng Clown. Isang maasim na ngiti lang ang iginanti ko. Mga mare, kapag alam nating hindi natin ka-level ang kaharap natin, wag niyo nang patulan. Let's conserve energy lalo na't kakasimula pa lang ng araw. Pero kapag hindi nakuntento at nagpapansin pa rin? Ibang uspan na 'yon. Gaya ng ginagawa nitong babaitang 'to. Hindi pa ata siya satisfied sa putok ng blush-on niya at gusto niya pang dagdagan. Biglang hinablot ng panagahas ang braso ko saka nagsalita,"Hey, B*tch! Kinakausap pa kita! Anong pakiramdam na pahirapan ng isang Kamatayan? Hindi ka makapagsalita, ano? Siguro, umatras na 'yang dila mo sa sobrang takot. O baka naman kasi, wala ka ng dila ngayon? Hahahahahah!" natatawang tanong no'ng bruha. Hehehe, akala niya nakakatuwa 'yong sinabi niya? Bijj, pinagbigyan ko na nga siya na lubayan ako at naaawa akong baka hindi niya kayanin ang sasabihin ko kapag nagsalita na ako. Kaso sinayang niya 'yong chance na ibinigay ko kaya ibibigay ko ang gusto niya! Dahil bet ko ang blush-on nito, napag-isipan kong dagdagan pa para naman umabot hanggang uwian. Pinatid ko ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso ko. Unti-unti kong inilapit ang aking mukha habang nakadilat nang bonggang-bongga ang maganda kong mga mata. Sa sobrang lapit, siya na 'yong nag-initiate na umatras. Pero dahil nasa mood ako para gantihan ang bobita, hindi ko siya pinatakas. Hinablot ko ang braso nito at hinayaang bumaon sa balat niya ang aking mga kuko. 'Yon pa lang nga ang binibigay ko, umaawang na kaagad ang bibig niya? What more kapag sinerve ko na ang main dish? "Gusto mong malaman kung anong pakiramdam ng pahirapan ni Kamatayan? Okay, namnamin mo nang maigi, ah?" bulong ko tapos walang ano-anong sinampal ito. Sa sobrang lakas, halos bumaon sa lupa ang kanyang mukha. Char--- Napasalampak lang naman siya sa lupa at ngayon ay sapo-sapo ang pisngi nito. Hindi nakatakas sa'king mata ang luha na mabilis na dumaloy sa mukha no'ng bobita. "Oh ngayon, ikaw naman ang tatanungin ko. Kumusta ang sampal ng isang magandang demonyo?" mapang-insultong tanong ko. Habang hinahabol ng aking paningin ang tumatakbong clown, nanghinayang ako sa blush-on nito. Balak ko pa naman sanang alukin siya ng isa pa para mapantay ang pamumula ng pisngi niya, kaso ayon, lumarga na ang bobita. At dahil tapos na ang palabas, naglakad na ulit ako. "Oh? Ano pang tinutunganga niyo d'yan? Gusto niyo rin ba ng free blush-on?" alok ko sa madlang nagkumpulan. Dahil sa mataray kong paninita, nagsi-alisan ang mga itik na labis kong ikina-dismaya. Ano ba 'yan, free na nga eh, ayaw pa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at ayon, pagkapasok ko sa room, ako pa lang mag-isa. Ang taray, hindi ba 'to sinasara? Kung sa bagay, ano namang mawawala dito? Tiningnan ko ang oras sa'king relo at doon lang napagtanto na sobrang aga ko pala. May 10 minutes pa bago tumunog ang bell. Edi maganda ano? May time pa tayo para umidlip. "Matigas ka talaga," bulong ng nilalang galing sa likod ko. Muntik nang lumabas 'yong kaluluwa sa katawan ko, buti na lang napigilan ng aking kamay. Umupo muna ako sa upuan at tumambad sa'kin ang patay na mukha ni Kamatayan. 'Keisha, wag na wag mong papansinin ang mokong na 'yan. Wag na wag kang bibigay,' bulong ko sa'king sarili. "I like your crunchy slap," bulong ng kumag. Nakakuyom ang kamao ko at anumang oras ay nakahandang umatake. Alam niyo naman, hindi dapat bumaba ang depensa natin kapag kaharap ang demonyo. "Stay that fvckng face of yours away from me," may diin kong utos, with matching tiim bagang pa. Imbes na sumunod, naglakbay ang mukha nito papunta sa aking tenga, dahilan upang magsitayuan ang aking balahibo. Tang*na talaga. Ano na naman ang binabalak niya?! "Pa'no kung ayaw ko?" mapanuksong tanong ni Kamatayan. Sinasadya niya pang patamain sa balat ko 'yong hininga niya para makiliti ako. G*go, sorry na lang siya, dahil wala akong kiliti sa tenga. Nang mapagtanto nitong hindi umubra sa'kin ang taktikang ginawa niya, bigla akong nakaramdam ng kababuyan. G*gi, alam kong dinilaan niya ang tenga ko!!!!! Hindi ako bobo para hindi ma-distinguish kung labi o dila ang dumampi sa aking balat! 'Anong pumapasok sa utak ng demonyong 'to!!!' Hindi ko na makayanan pa ang kanyang kalapastanganan. Napapikit na ako sa nag-uumapaw na sensasyong inihahatid ng pesteng dila niya! Ayaw ko na, bibigay na ako!! Pinalaya ko na ang kamay ko na gawin ang gusto nitong gawin. Hindi sampal, kun'di suntok 'yong pinakawalan ko, ang kaso!!!! Ang kaso, mabilis na nakailag ang demonyo. 'P*ta, sayang!!!' "Ay, susuntukin mo ba dapat ako? Sorry, I have a nice instinct. Better luck next time," mayabang na sabi nito bago niya ako iwan at pumunta na sa trono niya do'n sa likod. Hindi ako makakapayag na gano'n-gano'n na lang! Susmi, hindi ako patatahimikin ng galit ko! "Kamatayan!" tawag ko. Binalingan niya ako ng boring look at inantay ang sasabihin ko. Inipon ko muna lahat-lahat ng inis, ng gait, ng ka-badtripan ko bago sumigaw ng, "P4kyu!!!!" tapos inayos na ang upo. Humalakhak ang demonyo pagkarinig niyon. Nasapawan niya na nga 'yong tunog no'ng bell sa sobrang lakas ng tawa niya. 'Namo, sana mabilaukan ka kakatawa,' panalangin ko. Dahil tumunog na ang bell, isa-isang nagsipasukan ang mga kampon ng dilim. Gulat pa sila nang makitang kami lang na dalawa ni Kamatayan ang nasa loob. Ay mali, feeling ko mas nagulat sila dahil buhay pa ako, knowing na magkasama kami sa room. Huling pumasok sa room ang kalbo naming Teacher. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang malagkit na titig na ibinabato niya kay Kamatayan. Tsss, pangahas... Napaka landot! Kulang na lang maglaway ang kumag. Walang patumpik-tumpik na nagsimula nang magsulat si kalbo. Okay lang naman at normal na magsulat muna ang guro bago mag-explain, pero g*go! Tatlong minuto na ang nakakalipas, hindi pa rin dumadakdak ang Teacher namin, at ito pa ang matindi, pati ang mga kaklase ko, hindi rin nag-iingay! Anong klaseng kababalaghan meron sa klaseng 'to? Hindi na ako nakapagpigil at tinanong na 'yong katabi ko. She's our Class President kaya alam kong alam niya kong bakit, at kong may ritwal bang nangyayari? "Is there something wrong with you guys? Bakit ang tahimik?" bulong ko do'n sa katabi ko. Hindi na talaga ako nakapagpigil dahil konting-konti na lang ay mamamatay na ako sa nakakabinging katahimikan. "Sssshhh, tulog si Kamatayan kaya walang nag-iingay," paliwanag ni Heart. Nang marinig iyon, literal na umikot ang eyeballs ko sa sinabi niya. Kaya pala puro sulat lang ang ginagawa ng baklang 'to sa unahan, ni hindi man lang n'ya pinapaliwanag kung anong pinagsusulat niya dahil may natutulog na demonyo sa dulo. Bwesit na Kamatayan na 'to! Kong wala siyang balak mag-aral, wag siyang mangdamay! Nagtago na lang sana siya sa lungga nya! Kainis! Paano naman yo'ng mga estudyanteng gustong matuto talaga? As if naman mayroon no'n dito? Pffft, oo nga naman! Si Heart lang ata ang nagtya-tyagang sulatin ang lahat ng sinusulat ni kalbo. So ayo'n, dahil ayaw ko naman na kuyugin ng mga pashneang nilalang kapag nagsimula ako ng eskandalo, umidlip na lang ako at maghihintay ng sigaw ng bell mamaya. Makalipas ang isa't-kalahating oras na attempt kong matulog, hindi ako nagtagumpay. Masyadong stress ang utak ko para hayaan ako nitong managinip. Napaangat na lang ako ng ulo ng isa-isang palakpakan ni kalbo 'yong mga mag-aaral na matagumpay na nakatulog. 'Buti pa sila,' bulong ko. Sa sobrang ingat ng mga pashnea, isa-isa kong magsilabas ang mga kampon ng dilim. "Hindi ka ba lalabas?" bulong na tanong sa'kin ni Heart. Umiling ako dito tapos tumango siya. Siya 'yong pinakahuling taong lumabas sa room dahil duh? Alam niyo naman kapag mga nasa katungkulan, mga Class Officers, mga bida-bida. Hindi naman lahat. Hehehehehe. Nang masiguro kong wala nang tao, at kami na lang dalawa ulit ng demonyo, may magandang ideyang pumasok sa utak ko. Kaagad kong hinanap sa bag 'yong pentelpen at mala-demonyong ngumiti sa natutulog na Hari. It's payback time hahahahaha!! Dala-dala ang pentelpen, dahan- dahang ginuhitan ko ang mukha ni Kamatayan. Sa sobrang fine ng mukha niya, 'yong pentelpen ko na mismo 'yong nahiya. 'Ngayon ah, tingnan lang natin kung matulog ka pa next time sa klase,' bulong ko sa'king isipan. Umabot din ng dalawang minuto bago ako ma-satisfied sa'king masterpiece. Syempre kapag tapos na, kailangan may tago-tago tayong souvenir, dahil pinaghirapan natin 'to. Kinuha ko 'yong cellphone ko sa bulsa tapos kinuhaan ng litrato ang natutulog na demonyo. Wohohoho, ano ka ngayon bakulaw! I a-upload ko 'tong mokong ka! Tingnan lang natin kong hindi matawa ang mga die hard fans mong leche ka! "What are you doing?" halos atakihin ako sa puso nang biglang may nagsalita sa likod. Tang*na, ang hihilig manggulat! Hindi ako kumibo at nanatiling nakaharap kay Kamatayan. Parehas kami nagpapakiramdaman kung sino ang unang gagawa ng hakbang. At syempre dahil maganda tayo, hindi tayo papakabog. Siya dapat ang humakbang paunahan para makita ang mukha ko! Akala ko pa naman eh susuko na siya at maglalakad na paunahan pero mali ang aking hinala. Hinablot lang naman nito ang braso ko nang sobrang lakas para mapaharap ako. Easy move right? Bakit pa nga ba siya magpapakahirap na maglakad kong pwede niya naman akong paikutin ng pwersahan? 'Tang*na, talino!' bulong ko. Bigla akong napangiwi nang higpitan ng mokong ang pagkakahawak niya. "Fudge!" bulalas ko. Tinitigan ko siya nang masama pero walang epekto sa halimaw na 'to. Halimaw ba siya o demonyo rin? Ah basta! Ang mahalaga ay importanteng makawala ako sa bakulaw na 'to, kung hindi lagot ako! Mas lalong humigpit pa ang hawak nito sa aking braso at balak niya atang durugin ang mga buto ko. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang mapaluhod sa sobrang sakit. Bwesit, sa sobrang pamimilipit ko, nabitawan ko ang pentelpen na hawak ko dahilan para lumagapak ito sa sahig. Ohhh ohhh..... Shuta, okay na akong masaktan ng ganito kaysa maparusahan ni Kamatayan. "What the f*ck is going on here? Vixel? Why the f*ck are---is that Keisha? Anong—bitawan mo siya," naguguluhang utos ni Kamatayan, kakagising lang eh. Agad namang sinunod no'ng Vixel kuno ang utos ng Hari. Akala ko makakahinga na ako nang maluwag, pero no'ng pulutin ni Kamatayan 'yong phone ko na kasabay pa lang nahulog no'ng pentelpen kanina, gusto ko na lang himatayin. Kahit nasa bingit ako ng kamatayan, hindi ko mapigilang hindi matawa nang makita ang reaksyon ni Kamatayan. 'Now, I can die peacefully,' bulong ko sa'king isipan. "What the--- F*ck!! Huwag mong pakakawalan ang babaeng 'yan Vixel!" sigaw ni Kamatayan na nagmamadaling tumakbo palabas ng room. Hayyysss! I'm safe!!! Hahahahaha, nagwagi tayo laban sa kampon ng dilim mga mare!! Yey!! Masayang pinagpagan ko ang palda ko at akmang aalis na, pero 'tong mokong na 'to, papampam talaga. Pano ba naman, hinablot niya na naman ang braso ko. P*ta! Ang hilig manghablot! At ayon na nga, sa sobrang lakas ng hablot nito sa'kin, napasubsob ako sa kan'yang mala-simentong dibdib. "I miss you my Little Devil," bulong ng buang sa tenga ko. Hindi pa do'n nagtatapos ang surpresa dahil ginawadan niya rin ako ng halik sa noo. Sa mga sandaling pino-proseso ng utak ko ang mga salitang sinabi niya, tila nagsiakyatan lahat ng dugo sa aking katawan. Ang mga salitang 'yon na akala kong hindi ko na muli pang maririnig ang naghatid ng kilabot sa aking laman. Pinagmasdan ko s'ya nang may labis na pagkabigla. I can't believe na nasa harapan ko siya ngayon. Bakit ngayon pa? Bakit dito pa? 'Bakit bumalik ka pang peste ka!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD