CHAPTER 4: How you LIE that

1305 Words
SOPHIA "Ito lang ang masasabi ko sa iyo. Bantayan mo ang kapatid ko kahit ano man ang mangyari. Alam ko na sa ngayon, ikaw lang ang pinakamalapit na lalaki sa kanya. Huwag mo akong bibiguin kung ayaw mong makakita ulit ng demonyong Sophia gaya nang dati. Ayaw mo naman sigurong buhayin kong muli ang demonyong nahihimlay sa katawan ko, 'di ba?" pagbabanta ko sa lalaking nasa harap ngayon ng bahay namin. Ala-sais pa lang at alam kong tulog pa ang kapatid ko sa kwarto niya, kaya naman kampante ako na hindi niya malalaman kung sino man ang kausap ko ngayon dahil paniguradong uusok na naman ang kanyang ilong. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo, Ate Sophia? Pinapunta mo ako rito para sabihing bantayan si Keisha? Baka hindi mo kilala kung ano ang kayang gawin ng kapatid mo, Ate. Huwag kang masyadong mabahala dahil alam kong kayang-kaya ni Keisha ang mga kalaban niya. Mas matagal mo siyang nakasama kaysa sa akin kaya alam mong hindi siya lalaban kung wala siyang matinding rason," natatawang sagot niya.  Saglit akong natigilan nang mapagtanto ang punto nito. Tama nga siya, ibang tao na ang kapatid ko. Malakas na siya ngayon, 'di tulad nang dati na kada away, kada problemang kinakaharap niya, hinding-hindi pwedeng hindi niya 'yon sasabihin sa akin. Natatakot lang ako dahil ayaw ko na maging halimaw siya permanente. Alam ko rin na ako ang dahilan kung bakit niya kakalabanin ang taong 'yon. Ayaw ko lang naman siyang matulad sa akin na dahil sa sobrang pagkabaliw ko na maprotektahan ang lahat ng taong importante sa paligid ko, nakagawa ako ng maraming kasalanan.  Hindi naman masama ang magkaroon ng lakas at kapangyarihan, pero ang lahat ay may hangganan. Ang problema lang, inabuso ko ang kapangyarihan na mayroon ako, kaya hanggang ngayon hinahabol ako ng konsensya. Kaya nga, 'di ba? Labis ang tutol at takot ko na pumasok si Keisha sa Saint Augustus dahil hindi niya kilala si Dwight Ellise Alexander Teoxon Hernandez o mas kilala bilang DEATH o Kamatayan. Demonyo ang nilalang na 'yon, alam niyo naman na, hindi ba? Libangan lang sa kanya ang kumitil ng buhay ng tao. Ni hindi nga siya kinikilabutan sa t'wing kakalabitin niya ang gantilyo ng baril. Wala siyang kaluluwa, tang*na niya. Hindi ko nga alam kung bakit nahumaling ako sa gagung 'yon, na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko nang husto. Noon kasi, hindi pa naman sobrang tagal, like one year ago pa lang no'ng pumasok ako sa Saint Augustus para paslangin ang anak ni President Hernandez, ang may-ari ng H&S na matagal nang katunggali ng Society na kinabibilangan ko, ang Black Mamba. Bukod sa amin, kilala ang H&S sa pambihirang mga miyembro na mayroon sila. Matatapang, walang puso, at walang kinakatakutan, ilan lamang 'yan sa mga katangian ng mga nagta-trabaho kay President Hernandez. Pulido sila kung magtrabaho, kaya naman hindi na nakapagtataka kung kaliwa't-kanan ang mga offer sa kanila. At ayon, dahil sa seloso si tanda, gusto niyang pabagsakin ang H&S para ang BM na muli ang maghahari sa limang Society. Ang akala niya, kapag matagumpay kong nabura sa mundo ang anak ni President Hernandez, mapapabagsak na namin ang H&S. Ang kaso, talagang na sa lahi na siguro nila ang pagiging masamang damo. Ang haba ng buhay. At dahil ako ang napili ni tanda para sumabak sa misyon dahil bata pa 'kuno' ako at ang akala niya, magagawa ko nang maayos ang trabaho. Akala ko rin naman eh, ang hula ko pa nga hindi aabot ng isang lingo ay matatapos ko kaagad ang misyon, pero nagkamali ako. Pagkapasok ko sa Saint Augustus, kaagad kong isinagawa ang misyon. Sumama ako sa mga lakad ng grupo ni Kamatayan para mapalapit sa kaniya at makuha ang loob nito. Akala ko, dahil isa lamang siyang hamak na bata, mababaw lang ang kaligayahan niya sa buhay. Pero doon ako nagkamali, sinubukan ko ang lahat ng mga pang-aakit na ginagawa ng mga normal na babae. Nagsuot ako ng mga kasuotang nasa uso, nag-ayos ako ng sarili at binago ko rin ang personality ko. Pero lahat ng 'yon ay nasayang lamang dahil hindi man lang ako nito tinapunan ng atensyon kahit isang beses man lang. Kung tutuusin, ako pa nga ang naakit ng kumag. Namangha ako nang sobra sa napakaangas na personalidad ni Kamatayan. Pero, hindi ko inaasahan na namana ni Kamatayan ang kawalang kaluluwa niya sa kaniyang tatay. Ang pagpapatantasya ko sa lalaking demonyo ay mas lalong lumalim no'ng malaman ko na isa siya sa mga nagsawa ng assassination sa Bise Presidente ng Pilipinas noon lamang ding taong iyon. Nanginig nang sobra ang aking kalamnan dahil sa labis na paghanga.  Sa sobrang bagal ng paggalaw ng misyon ko, nainip na si tanda at gusto niyang palitan ako ni Clifford. Pero dahil nagkaroon ako ng malalim na pagtingin sa demonyo, tinanggihan at sinuway ko ang utos ni tanda, at ipinangakong ihahandog sa kanya ang ulo ni Kamatayan. Pero habang tumatagal ay imbes na gawin ang misyon, iba ang naging resulta. Ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako, sa sandaling nasa loob ako ng SAA, pakiramdam ko isa rin akong normal na estudyante na nangangarap na maging girlfriend ng isang Kamatayan. Well, hindi niyo naman ako masisisi dahil iyon ang unang beses na makaramdam ako ng paghanga sa isang lalaki. Malas nga lang dahil sa isang demonyo pa. Tang*na nakakasukang alalahanin ang nakaraan. Sa tuwing naaalala ko lahat ng kabaliwang ginawa ko para lang matanggap niya, gusto ko na lang lamunin ng lupa. Pffft! Hahahahaha! Pasensya na, hindi totoo 'yong kin'wento ko. Actually, hindi talaga ako nagtagal sa SAA dahil may nangyaring emergency. Hindi rin totoo na in love na in love ako kay Kamatayan dahil gawa-gawa ko lang 'yon para mapalapit ako sa kanya, alam niyo na, gawa ng plano. Pero pumalpak iyon at hindi gumana, kaya imbes na gugulin ko pa ang oras ko sa bwesit na batang 'yon, binitawan ko na ang misyon at umuwi sa BM na walang bitbit na magandang balita. Hindi naman nakapalag si Tanda noong bigla akong nag-pull out sa misyon. Sinubukan niya lang na sermunan ako pero hindi naman iyon nagtagal dahil naalala niya atang ako ang nagdadala ng Society namin, at dahil sa akin kaya nananatili sa number 1 spot ang BM. "Bobita! Anong ginagawa mo riyan?" tanong ni Keisha, dahilan para matigilan ako sa pag-iisip. Napatingin ako sa aking harapan pero naglaho na ang kausap ko kanina. Napanatag ang loob ko at nakangiti kong hinarap ang Devil Sister ko tapos sinubukan itong hagkan. 'Ayaw kong matulad ka sa'kin Keisha. Ginagawa ko ang lahat para maprotektahan ka hanggang ngayon. Kung kinakailangan kong ibigay ang lahat, ibibigay ko. Kung kinakailangang ipati buhay ko ay ialay, handa akong mamatay. Ganun kita kamahal. Ganun kita gustong mabuhay,' bulong ko sa aking isipan. "Ihahatid na kita papuntang Saint Augustus," masayang sabi ko.  Pero imbes na matuwa, inirapan pa ako ng bruha bago pumasok sa loob. "G*ga, anong oras ba ang flight niyo? Kaya ko namang pumunta sa Saint August ng mag-isa, baka kung ano pang gawin mo, kilala kitang bwesit ka," iritableng tugon niya. "Mamaya pa namang 1 pm ang flight namin. And for your information, I know when to behave. Hindi kagaya mo na makalat kahit saan, kahit anong oras. At saka, after kitang ihatid, gagala rin muna siguro ako. Susulitin ko ang natitirang oras na nandito ako sa Pilipinas," sagot ko. Tumango na lang siya na halatang labag sa loob, tapos iniwan niya na ako para mag-ayos. Pasimple kong pinagmasdan ang mga sugat sa katawan niya at bigla akong namangha dahil kahit marami s'yang pasa ay hindi siya nahihiyang humarap sa mga tao. Ikaka-proud ko ba 'yon? Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon kaya labis ang pagkabahala ko. Huwag mo sana akong biguin, dahil kapag may masamang nangyari sa kapatid ko asahan niyong mabubuhay muli ang demonyong hindi niyo nanaising makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD