KEISHA "Hahahaahahaha! Tama, naaalala ko nga 'yon. Alam mo ba, aaminin ko na sa'yo Vince, minsan na rin kitang naging crush at alam 'yon ni Zandra," ani ko. Gulat at hindi makapaniwala si Vince sa pasabog na ibinulgar ko. "Weh? Hindi ka ba nagbibiro? Hahahaha! bulalas niya. "Oo nga! Kailangan ko bang ulitin? Ganito kasi, baka lumaki masyado ang tenga mo. No'ng bagong transfer ka pa lang kasi, akala ko talaga good boy ka. Ang hindi ko alam, malala pala ang sapi mo, hahaha! No'ng nakilala kita at naging kaibigan, natigil agad iyong pagtingin ko sa iyo, ewan, na-turn off na lang ako bigla," paglilinaw ko. Isang 'awww' ang ibinulalas nito bilang sagot. "Pero maiba tayo, gagi ka--ay wait, nag-text si bruhang Venus," ani ko. Kaagad kong binasa ang text message at hindi ako makapaniwala sa laman