ZANDRA "Kuya are you sure na pwede ko na siyang gamitin ngayon?" tanong ko sa lalaking kausap ko sa likod ng SAA. "Oo naman, paniguradong ngayon ay naghahanap na siya ng paraan para makatikim ng dugo. Ingatan mo lang na wag masugatan ang balat mo, dahil hindi ka niya tatantanan," babala nito. Tumango ako tapos kinuha na ang gamot na magiging alas ko para magtagumpay sa plano. "You must go now, goodluck! Tandaan mo lang na kailangang buhay pa rin si Keisha. Kailangan ko ang katawan niya para sa ritwal, naiintindihan mo ba?" ani to. "Don't worry, I'll make sure na may kakarampot na buhay pang natitira sa kawatan niya, sapat na para manatili siyang buhay hangga'ng sa araw ng ritwal," tugon ko. Nagpaalam na ito after dahil masyado siyang busy na tao. Gaya nang sabi ni Kuya, pwede ko na raw g