Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Ramdam ko ang pamamanhid ng magkabila kong pisngi, as if nakatanggap ako ng isandaang sampal habang wala akong malay. Naka-posas ang aking mga kamay at paa tapos nakasalampak din ako sa sahig. Inilibot ko ang mga mata ko para alalahanin kung nasaang lupalok ako ng impyerno pero hindi ko matandaan ang kwartong to. "Sa wakas gising na ang Reyna," napaatras ako nang bigla na lang sumulpot sa aking harap si Shane na abot-langit ang ngiti. Naguguluhan ko siyang pinagmasdan. Hindi ko alam kung bakit tila kinilabutan ako no'ng makita ang malademonyo niyang ngiti. Ngunit ang malaking tanong sa aking isip ngayon ay kung bakit siya naririto. Siya ba ang may kagagawan nito? At kung oo, bakit? "Hahahaha! Ngayon ko lang nakita ang takot mong mga mata, Keis