CHAPTER 2: WELCOME TO HELL

1697 Words
KEISHA AT SAINT AUGUSTUS ACADEMY Malalakas na sigawan ang sumalubong sa akin habang binabagtas ang mahabang daanan patungo sa malaking bulletin board ng school. In fairness, iba rin naman talaga ang school na ito. Kung isa kang tupang walang kamuwang-muwang na papasok sa Saint Augustus, iisipin mo na hindi tapunan ng mga patapong tao ang kinakalagyan mo. Sa lawak ng school, mukha atang matatagalan bago ko mahanap ang mokong na ex ni Sophia. Well, ang balak ko naman talaga kung bakit ako pumasok sa impyernong ito ay, una, para pagbayarin 'yong kumag na ex ni Ate. Pangalawa, sawa na ako na makulong sa bahay, naghihintay na pumuti ang mata ko, o 'di naman kaya ay itapon sa boring na school. Noong nalaman ko ang tungkol dito sa SAA, nagpaalam agad ako kina mom and dad na gusto kong pumasok. At first, kinukumbinsi nila ako na ipagpaalam ko muna raw kay Sophia kasi dito rin galing ang bruha kong Ate, pero mariin ko silang binalaan na wag nang sabihin dahil alam kong hindi ito papayag. Sinakripisyo ko ang isang araw kong pagkain at nagkulong lang sa kwarto para kaawaan nila ako't mapapayag sila nang tuluyan. Hindi ko naman iyon pinagsisisihan dahil sa wakas, naririto na ako. Sa lugar kung saan malaya kong mailalabas kung sino na ako ngayon. Natigilan at naagaw ang atensyon ko nang makarinig nang malakas na sigawan. Syempre bilang bagong estudyante, hindi ko hinayaang mahuli ako sa balita. And to my surprise, ayon, mga stupidents na animo'y mga baboy na sabik maligo sa putikan ang aking nadatnan. "Kyyyaaaahhh!!!" tilian ng mga stupidyanteng nagtatakbuhan patungo sa gitna ng field. Sa sobrang dami nila, mukha silang mga pato na sabik puntahan ang pastol nilang may dalang kuhol na pang-ayuda. I almost ignore their stupidity dahil, duh? Sasayangin ko ba ang oras ko sa kanila? Pero, ayon na nga, sad to say, kinain ko rin ang sinabi ko, dahil bigo akong hindi pansinin ang kagagahan ng mga nilalang. Gulat kasi ako, dahil hindi lang mga estudyante ang nando'n sa kumpulan kun'di pati na rin ang mga Teacher! Holy sh*t! At eto pa ang malupit, may mga banner pa talaga silang bitbit at proud na iwinawagayway sa ere! Oh, 'di ba? Pak na fvck! Palaban ang mga 'yern? Ano kayang meron? Natawa ako sa mga itsura nila pero kaagad ko rin namang binawi. Ehem, isa akong cool na bagong salta rito, kaya hay naku! Keisha, mind your behavior! Pero sorry talaga, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kabaliwang pinaggagagawa ng mga uhuging stupidyante at Teachers. Tama ba 'tong school na pinasukan ko? Saint Augustus nga ba 'to? Hanep, akala ko, at base sa mga nasagap kong bali-balita, malaimpyerno raw itong Saint Augustus. Pero bakit instead of Hell, lugar pastulan ata ito? Shutabels naman! Kaloka! Ako na ang nahiya para sa kanila! Napa-face palm na lang talaga ako, as I continue to walk. Halos wala akong makasalubong na estudyante sa daan dahil nando'n silang lahat sa kumpulan, sa gitna ng field. "Ay pak! Morlang papel ang titingnan kes!" bulalas ko habang sinisimulang buklatin ang mala-librong list of students. Susmiyo marimar! Ito ang ayaw ko sa lahat, eh. Kay ganda at bongga ng school, sana naman naisip nilang i-send na lang sa vmail 'yong section namin, ano? Kasi online enrollment pero hindi na sinabay 'yong announcement kung ano ang section ko. "Shala naman, morlang names! Sakit sa mata! Pero eto na, Quillino, Reynales, Roblan, San Sebastian, Tionco, Villarica—" "Ynares, and sa letrang Y? Yu! Binggo na ako! Ay, teka anong section ko? Owww, Sagittarius," bulalas ko sa kawalan. Nang malaman ko na kung ano ang section ko, naisipan kong pumunta muna sa cafeteria dahil nagwawala na naman ang mga anaconda sa aking tiyan. Hindi sila kuntento sa kape at dalawang toasted bread na kinain ko kanina bago ako umalis ng bahay. Habang naglalakad, halos bigla akong masubsob dahil sa gulat. Akala ko dinadalaw na ako ng engkanto! Ikaw ba naman makarinig ng sitsit? Ewan ko na lang kung hindi mo isipin na baka nanuno ka na. "Hey!" tawag muli no'ng kung sino mang lamanglupa. Napalingon ako, kasi ine-expect ko na ako lang ang estudyanteng hindi present do'n sa kumpulan pero labis akong nagkamali. Pagkalingon ko, tumambad sa akin ang isang lalaki na saksakan ng gwapo. Halos takasan ako ng puso ko dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang nilalang. Sana okay pa ang aking salawal dahil mukhang kaunti na lang ay bibigay na ito sa sobrang ganda ng tanawing natatanaw. Nakipagsukatan lang ako ng titig sa kanya. Habang sinisipat ang mukha nito, tila nakaramdam ako ng pagkaumay. Hanggang sa mapagtanto ko na hindi siya bago mula sa mga tipikal na pabibong lalaki na nakilala ko, na walang magawa sa buhay kung hindi ang mang-trip sa mga bagong salta. Sad to say, hindi ako basta bagong salta lang, isa akong demonyong bagong salta! Mwahahahaa! Lumapit ito sa akin at akmang hahawakan ang aking braso, pero naaah, not me! Hindi sa akin uubra ang mga ganyang galawan! Bago pa man dumampi sa balat ko ang palad niya, dumapo na ang isang malutong at nagbabagang sampal. Slap ala carte lang 'yon hehehe swerteng nilalang. Well, for me, slap is one of the best ways to greet someone na hindi niyo kilala as a replacement for 'good morning'. I've learned that no'ng nagta-transform pa lang ako bilang isang bagong demonyita. Salamat sa effort ng bobita kong kapatid na si Sophia at na-master ko ang pananampal. And ayon, mukhang nagustuhan niya naman ang pagbati ko, dahil napangisi siya habang sinasapo ang kanyang kanang pisngi. At dahil do'n, napangisi na rin ako. Magaan kaya sa feeling na may taong nakaka-appreciate ng sampal ko. Ang kaso, 'yong happiness na nararamdaman ko ay biglang naudlot dahil nakarinig ako ng bulong-bulungan. Labis akong nagulat noong mapagtantong nasa gilid na pala namin 'yong mga stupidyante. Akala ko kanina itik sila, tapos ngayon naman nagi na silang bubuyog. Napangiwi ako nang todo dahil matatalim na titig ang ibinabato nila sa akin. Pfft, chill, mag-isa lang ako, baka naman. Hindi ko mapigilang hindi maglabas ng buntonghininga dahil hindi ko ine-expect na mapapasabak agad ako sa ganitong klaseng eksena at kasalanan ito nitong pesteng nilalang na ito na akala ko ay isang anghel ngunit mukhang nagkamali ako. I look at the guy na sinampal ko, and motherf*ckng b*tch! 'Yong mga mata niya na ughhhhh, alam niyo 'yon? Napakatalim pero maganda pa rin? Nakakaakit ang dalawang bolang nakadikit sa mukha niya pero the longer I look at him, parang unti-unting humihiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa. Tang*na! Delikado ang isang 'to! Hindi ko alam ahh, pero 'yon ang sinasabi sa akin ng aking guts. Masyadong mabigat ang aura na inilalabas nito at talagang hindi siya kumukurap habang nakatitig sa akin, animo'y may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya. Samantalang isang sampal lang naman ang natikman niya mula sa akin. Paksh*t pakbet. Ibang level. Holy cow! Bigla akong kinilabutan! Lumipas pa ang ilang segundong pakikipagsukatan ng tingin, naagaw ang atensyon naming lahat ng isang babae na bigla-bigla na lang pumasok sa eksena. "I'm sorry Kamatayan. Patawarin niyo po ang kaibigan ko," sabat nito. Hindi pa nga ako nakaka-get over sa gulat dahil bigla na lang nagsilitaw ang mga itik sa paligid at eto, mayroon na namang bago! 'Yong babae na biglang sumulpot at inaangkin na kaibigan daw ako ay agad-agad na lumuhod sa lalaking sinampal ko. Teka anong name niya nga? 'Kamatayan?' What a weird and stinky name he has, tsk. At first, I can't recognize her, dahil nakayuko ang bruha. Pero no'ng iniangat n'ya nang kaunti ang kaniyang ulo, do'n ko napagtanto na si Zandra pala ito. Ang dati kong kaibigan. Luh!? Anong ginagawa ng weakling na babaitang 'to sa impyerno? Akala ko patay na siya dahil wala na akong balita sa kanya, tapos malalaman-laman ko na dito lang pala siya nagtatago. "Stand up. I want her to bow down," utos ni Hudas na agad namang sinunod ni Zandra. Agad itong tumayo at tumabi sa aking gilid. Halos bumaligtad ang sikmura ko sa pagkaambisyoso ng Hudas dahil naka-smirk na ito ngayon. Aba! Yabang! Kung makapag-utos, ano siya? Batas? Pfft! Siguro alam niya na bagong salta ako kaya talagang sinadya na tawagin ang aking atensyon at ilagay sa ganitong sitwasyon. Pero malas niya lang dahil akala niya ata, mapapasunod niya ako gaya ng iba. Habang naghihintay si Hudas na lumuhod ako sa kanyang harapan, bumulong sa akin si Zandra. Kahit pa man naiirita dahil umaakto siya ngayon na close kami samantalang iniwan niya ako matagal nang panahon ang nakakalipas, hinayaan ko pa rin na ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. "Just do what he wants," bulong nito habang nangangatog ang mga labi. Tinapunan ko nang matalim na titig si Hudas Barabas na mukhang naiinip na. Magkamatayan na pero, duh? Ako? Si Keisha Loreen Yu, luluhod? Teka, kanino? Managinip na lang siya, baka sakaling doon ay mapaluhod niya ako! Bago gumawa ng hakbang, dahil mukhang pati 'yong mga stupidents, eh nag-aabang na rin kung ano ang gagawin ko, lumapit ako kay Hudas. Akala niya ata, mapapaluhod na niya ako, ngunit pasensyahan na lang kami dahil babasagin ko ang kanyang pangarap. Hindi ako nandito para magpaalipin sa taong porket gwapo, akala mo, eh hawak niya na ang mundo. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya, 'yong ultimong sentimetro na lang ang pagitan naming dalawa, kaswal kong hinawakan ang dalawa niyang balikat at bumulong dito. "Over my sexy body," ani ko, at agad na sinipa ang kanyang dalawang nilagang itlog. Napaaruy naman ang mga tao sa kanilang nasaksihan at mabilis na lumapit kay Hudas para i-check kung humihinga pa. I take the opportunity at mabilis na hinila ang kamay ni Zandra palayo. Pero bago mawala sa paningin ko ang lalaking 'yon, I decided to take a quick glance at him na labis kong pinagsisihan. He's still smiling regardless of what I did, like what the hell! 'Sayang, dapat pala tinuluyan ko nang binasag ang dalawang itlog' bulong ko. Kidding aside, that jerk! Just who the heck is he!? And what's wrong with his smile! Isang ngiti lang niya. Isang ngiti na naghatid nang labis na kilabot sa'king laman. Sh*t, this is exciting!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD