Chapter Three
"Subuan mo naman ako," nakaharap na ang pagkain sa akin pero dahil nandito naman si Santorin ay bakit hindi ko gamitin ang full potential nito 'di ba? Maging tagasubo ko.
"Coralyn, may kamay ka."
"Na may tama... ito iyong ginagamit ko sa lahat, Santorin. Itong isa ay halos walang silbi ito. Kahit nga kapag nagsasarili ako ay itong---"
"Stop!" awat ng lalaki dahil baka kung ano pa ang masabi ko.
Gabi na. Nandito pa rin kami sa ospital dahil nilagnat ako. Buti talaga't nakikisama ang katawan kong ito.
Hindi rin umalis ang lalaki kahit pa umalis na iyong mga pinsan niyang kasama niya kanina. Binisita nila ang pinsan na para bang ito ang may tama. Samantalang ako naman talaga.
Nag-hello nga lang sila sa akin at si Santorin na ang tinanong nila ng tinanong.
Labag sa loob ni Santorin na subuan ako pero ginawa pa rin niya.
"What the f**k is that?" biglang bulalas nito. Takang tinitigan ko naman ito. "May allergy ka ba sa shrimp?" agad nitong inilayo ang pagkaing kinakain ko.
"Meron," balewalang sagot ko.
"Are you f*****g stupid? Bakit kinain mo? Bakit hindi mo sinabi at napalitan sana agad natin?" stress na stress ang mukha nito. Para bang sa paningin nito ay sobrang bobo ko.
"Okay lang iyan... hindi ko naman ikamamatay. Iyong allergy ko sa shrimp ay hanggang ganyang level lang."
"Ganyang level? Damn! Ngayon lang ako naka-encounter ng sobrang tangang babae." Napasimangot ako. Tinitigan ko pa ito ng masama. "Mali ba? Woman, alam mong may allergy ka tapos kinain mo pa? Hindi ka ba nag-iisip---"
"Gusto ko pang kumain. Subuan mo pa ako. Favorite ko iyan. Mapapagod din iyang allergy na iyan. Dali na."
"Jesus Christ! Unbelievable!" frustrated na bulalas ng lalaki. Saka ito dali-daling nagtawag ng doctor. Relax namang bumalik ako sa pagkakahiga.
Hindi naman pala kailangan sundin ang plano ni Lily... tignan mo nga't nakalapit agad ako rito.
Pagbalik ni Santorin ay may doctor na itong kasama. May nakasunod ding staff ng hospital na may dalang pagkain.
In-check lang naman ako ng doctor. Mabilis lang din dahil mild lang naman talaga iyon. Namumula lang ako. Makati pero kaya ko naman.
Nang umalis ang doctor at staff ay iniayos ni Santorin ang pagkain sa table ko. Inalis ang cover ng mga iyon at muli ako nitong pinakain.
Gutom na gutom ako talaga. Ngayon pa lang kasi ako naisipang pakainin. Sabagay nakatulog din kasi ako kanina.
Nang natapos akong pakainin nito ay uminom ako ng gamot sa tulong pa rin nito.
"Sabi ng doctor ay pwede ka nang lumabas. Gusto mo na ba?" tanong nito sa akin. Kung pwede na ay wala namang problema. Pero kailangan kasama ko pa rin siya.
--
Nandito na ako sa apartment ko. Apartment na handang-handa in case na may trabaho ako na kailangan ng mauuwian ng hindi pinaghihinalaan.
Nakabuntot sa akin ang lalaking seryosong-seryoso ang expression ng mukha.
"Mag-isa ka lang dito?" usisa ni Nico.
"Oo. Pakisara muna no'ng door. Baka dumating dito iyong kapitbahay kong lasinggero." Isinara naman nito pero salubong ang kilay nito sa akin.
"Lasinggero?" dahan-dahan akong naupo sa couch. Inalalayan pa rin ako nito.
"Oo. Lasinggero. Kumakatok iyon kapag lasing. Pinipilit pumasok dito sa apartment ko."
"What? That's not safe!" ani nito.
"Gano'n talaga. Nasanay na lang ako---"
"Coralyn? Coralyn?" biglang katok sa pinto at pagtawag sa pangalan ko ang kumuha ng atensyon namin ni Santorin. Akmang tatayo ako pero pinigilan ako nito.
"Saan ka pupunta? Pagbubuksan mo?" salubong ang kilay ng lalaki. "Bobo ka ba?" napahagikhik ako dahil sa tanong niyang iyon.
"Hindi iyan titigil. Tabi." Hinawi ko ang kamay nito at lumakad patungo sa pinto. Agad itong napasunod sa akin. Nang buksan ko ang pinto ay tumambad ang kapitbahay kong lasing na naman.
"Tama nga ako! Nandito ka nga, bebe love. Na-miss kita. Ilang araw kitang hindi nakita," akmang papasok Ang lalaking lasing pero agad itong pinigilan ni Santorin.
"Luh! Sino itong lalaking ito, bebe love? Sinabi ko naman sa 'yo na hindi ka pwedeng mag-uwi ng lalaki rito 'di ba?" sigaw nito. Agad akong napakapit kay Santorin. Umaarteng takot na takot. Agad naman akong iginiya ni Santorin patungo sa likuran niya.
"Leave," cold na utos ni Santorin sa lalaki.
"Tol, babae ko iyan. Bago ka lang dito. Huwag kang sisiga-siga rito. Tangina mo." Sinubukan nitong pumasok pero isang kamay lang ang gamit ni Santorin. Pigil-pigil nito ang lalaki. Nang naubusan ng pasensya ay itinulak na niya at malakas na isinara ang pinto.
"Nasaan ang mga gamit mo? Hindi ako pwedeng mag-stay rito para bantayan ka. Isasama na lang kita sa bahay ko."
"Uy! Ibabahay mo na ba ako?" tudyo ko rito. Parang walang nagwawala sa labas eh. Kung makahirit pasimple.
"Tsk. Hindi kita pwedeng iwan dito habang may ganyan klaseng lalaki sa labas, Coralyn." Inirapan ako nito. "Kilos. Kumuha ka ng gamit mo at isasama kita sa bahay ko. Doon ka magpagaling. May mga kasambahay ako roon na pwedeng mag-alaga sa 'yo."
Tumango naman ako rito habang ang lalaki sa labas ay binabangga na ang pinto ng apartment.
Good job itong lasinggero na ito. Timing ang panggugulo.
Bibilhan ko talaga ito ng bilog pagbalik ko para magpakalasing pa ulit siya. Pwede ring supply-an ko na.
Nagiging madali tuloy ang task ko.