2. Plan

940 Words
Chapter Two "Kaya mo iyan, Cors. Hindi naman ibibigay ni Atalanta ang task na iyan kung hindi mo kaya." Sinulyapan ko si Cars na abala sa cellphone niya. Nandito ako sa silid nito rito sa head quarters. Pagdating ko pa lang ay nagkwento na ako rito ng mga napag-usapan namin ni Atalanta. "Saka hindi naman malalaman ni Santorin na ikaw iyong babaeng basta na lang humalik sa kanya sa club. Huwag mong masyadong stress-in ang sarili mo." Tinitigan ko si Cars. Fresh na fresh ang itsura nito na para bang walang tinataguang asawa. Kung siya fresh, ako naman ay stress na stress. "Alam kong magagawan mo ng paraan ang task na iyan. Ikaw pa ba. Basic lang sa 'yo iyan." Tumango na lang ako. Ano pa nga ba? Pero mas pabor talaga sa akin kung itutumba na lang si Santorin eh. Hindi ganitong babantayan siya. Type ko pa naman. I mean no feelings involved. Type ko lang. Kaysa tumambay at tumunganga ay nagpasya akong lumabas na muna. Pero bago iyon ay nag-message na muna ako sa girls at nakiusap na hanapin ang location ngayon ng taong kailangan kong trabahuin. Hindi naman matagal ang paghihintay ko. Natanggap ko agad mula kay Lily ang information na kailangan. Agad akong nagmaneho patungo sa location ni Santorin. Nasa isang restaurant ito kasama ang mga pinsan nito. Naupo ako ilang mesa mula sa lalaki. Pinagmasdan ko ito. Pinag-aralan ang kilos nito. Paano ako makakalapit dito ng hindi sinusunod ang advice ni Lily? Well, walang nakakaalam. Pero sa totoo lang ay pinapantasya ko ang lalaking ito. Lintik. Saglit kong inalis ang tingin ko sa lalaki. Dumako sa isang babaeng na ang tingin ay na kay Santorin din. Iba ang kutob ko sa paraan pa lang ng titig nito. Iba ang kinikilos nito kaya napatayo na ako. Nang bumunot ng baril ang babae ay isang plano ang biglang pumasok sa isip ko. Mabilis akong humakbang. Tinatantiya ang timing. "One... two... three..." saktong pagkalabit nito sa gatilyo ng baril ay nasa tapat na ako ni Santorin. Hindi ko kailangan saluhin ang bala ng buong-buo, pero kaya kong tanggapin iyon para malihis kahit paano. Malakas na putok ang pumailanglang sa maingay na restaurant. Biglang nagkaroon ng katahimikan. Ang bala'y tumama sa braso ko. Daplis lang. Pero malaking bagay na iyon para mawala sa direction ni Santorin. Nagsigawan ang mga tao. Umakto akong nawawalan ng balanse bago may humawak sa akin at inalalayan ako para manatiling nakatayo. Ang babaeng bumaril ay bigla na lang nagbaril sa kanyang sarili bago pa malapitan ng mga bodyguard ng mga Santorin. Ako? Umaktong nasasaktan habang nasa bisig na ng lalaki. "Damn it!" dinig kong ani nito. "Kailangan siyang madala sa hospital," bigla na lang akong binuhat ng lalaki. "Let's go! Hindi safe ang lugar na ito," yaya nito sa mga pinsan habang buhat ako. "Aray," impit kong daing para makuha ang atensyon nito habang hawak ko ang dumudugo kong braso. "Dadalhin ka namin sa ospital," saka ito mabilis na naglakad palabas. Sumunod naman ang mga pinsan nito sa kanya pati na rin ang mga bodyguard. Nang naisakay ako sa kotse niya ay agad umusad iyon. "May malapit na hospital dito---" "Aray!" mas lalo kong nilakasan ang daing. Maraming dugo ang umaagos sa braso kong mahigpit kong hawak. Pati kamay ko ay nabalot na rin ng dugo. Ang lalaki na parang guilty na guilty sa nangyari ay agad naglabas ng panyo at sinabihan ako na tatalian niya iyon. "Masakit," maluha-luha kong ani sa lalaki. Ito ang isa sa talent ng mga girls ni Lady A at Atalanta. Marunong umarte. Mukhang effective dahil guilt ang nakaguhit sa mukha ngayon ng lalaki. "Faster!" asik nito sa driver nito. Mas ginalingan ko pa sa pag-arte. Pati luha ko'y nakisama sa drama kong ito. Nang nakarating na sa hospital ay todo alalay ang lalaki. Nang nakaupo na ako sa wheelchair ay inabot ko ang kamay nito. "Don't leave me... I'm scared," pakiusap ko rito. "I'm not leaving you." Ito na ang humawak sa kamay ko hanggang sa maipasok ako sa loob. Masakit naman talaga iyong tama ko. Pero iyong sakit na iyon ay normal na lang sa akin. Agad akong inasikaso sa loob. Hindi umalis ang lalaki sa tabi ko. Hawak nito ang isang kamay ko habang ako'y ginagamot at umiiyak dahil sa sakit. Nang kunin ang information ko ay si Santorin ang nagsulat para sa akin. Ikinuha pa ako nito ng VIP room pagkatapos gamutin ang tama ko. "Miss, pasensya ka na kung nadamay ka kanina. Alam kong ako ang target no'ng babae pero ikaw ang natamaan." "Diyos ko! Paano na ako n'yan ngayon---" "I'll pay you. Sa nangyari sa 'yo. Kung hindi ka makapagtrabaho ngayon dahil sa nangyari... that's fine. I'll pay---" "Hindi iyan ang issue ko, mister. Paano na ako? Sa tingin mo ba'y makakakilos ako ng ganito ang kamay ko? Sino na lang ang maghuhugas ng pwet ko at mag-aasikaso sa akin?" bahagyang napaawang ang labi ng lalaki habang nakatitig sa akin. "W-hat do you mean?" "Mag-isa na lang ako sa buhay. Tutal kasalanan mo naman kung bakit ako nabaril... dapat alagaan mo ako," mukhang hindi kinakaya ng lalaki ang shock dahil sa mga naririnig niya. Gusto kong matawa dahil masyadong ang reaction niya pero pinigilan ko. "A-re you serious?" "Yes! I'm serious. Mag-isa na lang ako sa buhay, mister. Kung uuwi akong ganito ang kalagayan sa tingin mo ba'y kakayanin ko? Alagaan mo ako. Kung hindi ay mamamaga iyang itlog mo dahil kasalanan mo naman kung bakit ako nabaril." "Wow... Unbelievable!" first time siguro nitong naka-meet ng siraulong babae. Pero pasensya siya. Partial pa lang ito. Hindi pa nito nawi-witness ang buong kabaliwan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD