CHAPTER SIX

2057 Words

“Good morning!” Natigilan si Mara sa pagbaba ng hagdan nang makita kung sino ang bumati sa kanya. Si Denver. Fresh ang hitsura at tila hindi galing sa lagnat noong nakaraang araw. Hindi niya alam kung lalapitan ba niya ito o tatakbo muli sa kanyang kuwarto. Paano ba naman kasi kagigising lang niya at mukha pa siyang bruha. Ni hindi pa siya nakakapagsuklay. Nakatabingi pa ang kanyang salamin sa mata. At walang sapin ang mga paa. Deretso siya sa pagbaba sa pag-aakala na sila lang dalawa ni Nanay Samuela ang tao sa bahay. Pareho kasing may trabaho ang mga magulang niya at maagang umaalis para hindi maiipit sa traffic. Ang kanyang ama ay manager sa bangko habang ang kanyang ina ay head supervisor ng isang malaking department store. Bata pa lang siya ay ganoon na ang trabaho ng dalawa. At n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD