“I CAN feel something is wrong,” mapait na sabi ni Alexandra habang sumisim ng wine. Gusto niyang magpakalasing para makalimutan ang pinong kirot na nararamdaman ng puso niya ngayon. May trabaho pa siya. Hindi pa tapos ang taping dahil muli na naman nag-extend ang primetime drama niya. Nag-demand ang viewers na pahabain pa. Nakiusap siya sa direktor na kailangan niya ng break kahit tatlong araw lang. Pinayagan siya dahil ilang araw na siyang balisa at walang kosentrasyon. Batid niyang naiinis na ang mga co-stars niya dahil madalas niyang nakakalimutan ang linya at nakakailang take na sila. Nag-aalala siya dahil hindi sinasagot ni Denver ang text o tawag niya kahit active pa naman ang cellphone number nito. Hindi niya maiintindihan kung ano ang nangyayari lalo na’t in good terms naman si

