“HUWAG po kayong mag-aalala, wala na sa puso ko ang galit. Mahal ko si Mara at mabuti ang hangarin ko sa kanya,” sabi ni Denver. Kaharap niya ang magulang ng asawa. Ngayon lang sila nabigyan nang pagkakataon na makapag-usap simula nang umuwi sila sa Negros dahil naging abala sila sa pag-aasikaso ng kasal. Yes, asawa na niya si Mara. Kahapon sila kinasal. Sa huwes lang muna pansamantala. Tulad ng plano ay si Eliza ang tumayong witness at nagsilbing ninang na rin. Hindi na nakauwi ang kanyang magulang sapagkat nagahol na sa oras pero pinangako niya na pauuwiin niya ang mga ito oras na matuloy na ang engrandeng kasal nila ni Mara sa simbahan. Labis na nagulat ang magulang ni Mara nang dumating sila sa Negros at nagdeklara na magpapakasal. Mababakas ang pangamba sa mukha nang mag-asawa nguni

