“MARA, ilang araw ko nang napapansin na parang balisa ka. May problema?” tanong ng kanyang Ate Bella na may bitbit na tray.. Alas dos na kasi ng hapon at hindi pa siya nakakapananghalian. Ilang beses siya nitong kinatok para bumababa na pero nagdadahilan siya kung kaya dinalhan na lang siya nito ng pagkain sa kanyang kwarto. Linggo ngayon. Walang pasok sa University. Ilang araw na rin na pumipirmi ang kanyang kapatid sa kanilang bahay buhat nang magkaayos ito at si Denver. “Magkwento ka naman kung ano ang nangyayari sa iyo, hindi iyong pinag-aalala mo kami.” Inilapag nito ang tray sa side table. “‘Ayan na kumain ka na. Kahit Kuya Denver mo nagtatanong na kung may problema ka dahil kahit sa klase raw ay tulala at balisa ka.” “Wala, Ate. Na-stress lang talaga ako sa final exam.” “Totoo

