“SAAN kita ihahatid?” Hindi nakasagot si Mara sa tanong na iyon ni Doktora Eliza. Hindi siya makakibo sa mga nangyayari. Kasalukuyan pa rin siya na lulan sa kotse nito. “Alam ko nabigla ka sa nasaksihan mo. Pero hindi ko pa kayang ipalinawag ang lahat, Mara.” “Doktora. . .” “Pwede mo ko isuplong sa pulis kung gusto mo.” “Hinding-hindi ko po gagawin iyan,” aniya. Patlang. Buntong-hininga niya ang bumasag sa katahimikan. “Pero pwede po bang ipaliwanag mo sa akin kahit konti lang? Naguguluhan ako sa mga nangyayari.” Napansin niya na mapait itong ngumiti. “Seryoso ako nang sinabi kong mamamatay tao ako, Mara.” “Pero bakit ka pumapatay?” “May masidhi akong dahilan. As of now, gaya ng sinabi ko, hindi ko pa maipapaliwanag sa iyo ang lahat.” “Pero — “ “Saan kita ihahatid?” “Sa opis

