HINDI na natupad ni Denver ang pangako na susunod ito sa kanya sa Penthouse sapagkat tumawag ito para sabihin sa kanya na may urgent ito meeting ito kasama si Mr. Zhing. Napagpasyahan na lang niya na mamasyal muna sa isang tahimik na park. Marami kasing gumugulo sa utak niya at gusto niya ng katiwasayan. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan tungkol kay Doktora Eliza. Nabahala siya na may mangyaring masama rito sa klase ng sekretong trabaho nito. Trabaho nga ba? Hindi niya alam. Wala siyang ideya. Si Doktora Eliza kasi ay parang isang balon na hindi masukat ang lalim. Dumadag pa sa alalahanin niya si Alexandra. Alam niyang may kaugnayan ito sa kanyang asawa at may inililihim ang mga ito sa kanya. Napatingin siya sa mga tao na nasa paligid. Mayroon mga batang naglalaro sa playgroup, grup

