CHAPTER FORTY-EIGHT

3116 Words

MULA sa terrace ay pinapanood ni Mara ang kanyang anak at si Denver naglalaro ang mga ito ng bola. Noon lang niya nakita na ganoon kasaya si Dalton na maging sa kinaroroonan niya abot ang matinis na hagikhik nito. Sa nakikitang kaligayahan ng kanyang anak ay nabura ang lahat ng agam-agam na nasa puso niya. Wala naman mas mahalaga sa kanya kundi ang ikabubuti nito. Mabibigyan ito ng magandang buhay at kinabukasan ni Denver kaya tama lang na hindi na siya nakipagmatigasan pa. Tuluyan na silang isinama ni Denver sa Maynila. Nakatira na sila ngayon sa mala-mansyon na bahay nito. Parang gusto nga niya maniwala na pinagawa ang bahay na iyon para sa kanya dahil lahat ng nabanggit niya na pinapangarap na disenyo ay nandoon sa bahay na iyon, tulad ng malawak na bakuran,theater room at playroom pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD