“To win you back. You’re mine, pinapaalala ko lang sa iyo.” Napaatras si Mara nang unti-unting lumalapit si Denver sa kanya. Hanggang sa naramdaman na lang niya na nabangga na ang likod niya sa pader. “Hindi mo ako pag-aari!” matigas na sabi niya. Hindi sumagot si Denver bagkus ay mas lalo pa itong lumapit sa kanya hanggang sa magdikit na ang katawan nila. Kay lapit na nang mukha nila sa isa’t-isa. Nasasamyo na niya ang mabangong hininga nito. Iniwas ni Mara ang mukha niya rito ngunit hinawakan nito ang pisngi niya para paharapin siya. “Denver. . . “ Pumikit ito. “I missed your voice saying my name, Wife.” “Wala ka ng karapatan na tawagin akong asawa dahil sa pagkakaalam ko ay hiwalay na tayo!” madiin niyang sabi. Ngumisi si Denver. Tinaas nito ang kamay at dumapo sa kanyang labi.

