PINILI ni Mara sa umupo sa pinakasulok ng gym. Iyon ang unang pagkakataon na manonood siya basketball game ng University. Friendly match lang. Psychology vs. Engineering department. Kanya-kanyang cheer ang mga estudyante ng bawat department. Nang tumingin siya sa scoreboard ay abanse na ang konponan ng Psychology. Paano ba naman kasi tatlong miyembro ng team ang kabilang sa varsity at isa na nga doon si Drake. Ang totoo niyan si Drake ang pumilit sa kanya na manood. Panoorin daw niya kung paano ito maglaro. Isang buwan na buhat nang makilala niya ito at masasabi niya na naging close na niya ito kahit papaano. Ito ang naging kauna-unahang kaibigan niya sa University at madalas na sila magpalitan ng text. Madalas din itong magpalipad hangin sa kanya. Sinusubukan na manligaw. Pero kaagad

