“MUKHANG ang lungkot natin ngayon, ah.” Hindi na kailangan pang lumingon ni Mara para malaman kung kaninong boses ang nagsalita sa kanyang likuran. Si Ronan. Tumabi ito sa kanya. Nasa bleacher siya ng maliit na grandstand stadium ng kanilang University. Tulala lang siyang nakakatitig sa football field. May mga student athletes doon na nagpa-practice pero wala sa mga ito ang atensyon niya. Lumilipad sa kung saan ang kanyang utak. “May problema?” tanong pa ni Ronan. “Wala.” Pagsisinungaling niya. Pero ang totoo ay gusto niyang bumigay at umiyak na lang nang malakas. Kung sana may kaibigan lang siya na pwedeng mapagsabihan ng sekreto at problema. Ang bigat na sa dibdib pero wala siyang magawa kundi lihim na lang na umiyak. Kahapon lang sila nakabalik mula sa isa’t-kalahating araw na get

