NAGISING si Mara sa pakiramdam na tila may mabigat na nakadagan sa kanya. Nang idilat niya ang kanyang mata ay nakita niya si Denver na himbing sa pagtulog habang nakayakap sa kanya. Wala may nangyari sa kanila. Hindi na nila pinalalim pa ang halik na pinagsaluhan nila. Nanaig ang katinuan nang kanilang utak. Pareho nilang alam na magdudulot lang ng malaking problema kung lalagpas sila sa limitasyon. Nagkasya na sila sa pagyakap sa isa’t-isa hanggang sa pareho silang nakatulog. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Denver na nakalingkis sa kanyang beywang. Buong ingat siyang bumangon. Ayaw niyang magising ito at makita nga ang nakakaasiwa nilang posisyon. Nang ganap na makababa sa sofa ay lumuhod siya sa carpeted na sahig upang mapagmasdan ng maigi ang napakagwapo nitong mukha. Gust

