Nakumbinsi ni Dave si Priya na sumama at dalhin ito pabalik sa Fortiche City kung saan siya nakatira ngayon. Kahit na may sariling negosyo na ang binata ay hindi pa rin ito bumubukod ng sarili niyang bahay dahil masaya siya sa kanilang mansyon. Masaya siya sa tuwing kasama niya ang parents niya at ang kaniyang nag-iisang kapatid kapatid. Maraming na kwento si Dave kay Priya tungkol sa pamilya niya. Malapit na raw mag-asawa ang kapatid niyang babae kaya medyo napapraning na minsan ang nanay niya sa lungkot. Nalulungkot ito ngunit kailangan niyang pakawalan ang anak dahil iyon naman ang dapat. Hayaan itong lumipad sa sarili niyang pakpak. Nakinig lang si Priya sa mga kwento ni Dave hanggang sa nakatulog siya sa layo ng byahe. Nang magising siya ay nasa Fortiche City na siya nga

