Nagsusumikap si Priya na makalayo sa bahay nila Dave at nagtago sa madilim na parte ng marinig niya kaagad na may sumisigaw sa pangalan niya. "Priya! Priya! Asan ka ba?" Malakas na sigaw ni Dave at bakas sa boses nito ang labis na pag-aalala at inis. Malakas ang kutob ni Dave na hindi pa nakakalayo si Priya sa mansyon. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ng dalaga at wala siyang pakialam kahit mabulabog niya ang buong subdivision. Bumalik si Dave sa loob ng mansyon upang kausapin at tanungin ang kasambahay. Nang makausap ni Dave ang katulong nila na siyang mismong nakakita kay Priya sa sala ay wala na itong ibang ginawa kundi ang umamin sa totoong nangyari. Sinabi nito ang totoo at kung ano man ang dapat na marinig ni Dave na sagot. "Sir Dave, habang nag-uusap po kayon

