"What's going on here?" matigas na tanong ng isang lalaki na sumulpot na lang bigla. Bumilis ang t***k ng puso ni Priya dahil pamilyar sa pandinig niya ang boses ng binata. Hindi niya magawang tingnan ang binata at wala siyang lakas na loob para alamin kung sino ito. Sapagkat alam na niya kung sino ito kahit na hindi man niya ito tingnan. Natatangi ang malamig nitong boses at wala ng iba kundi si Alken Fortiche. Ang lalaking naging bangungot niya sa tuwing nakapikit ang kaniyang mga mata. At ang lalaking bangungot niya kahit ang kaniyang mga mata ay dilat. Ngayon siya naniniwala na sobrang liit talaga ng mundo para sa kanilang dalawa. Sa lahat ng tao na pwede niyang makita ay si Alken Fortiche pa talaga. Parang gusto niya tuloy magmura. Kung napag-aaralan lang sana ang p

