"Bakit ba kailangan mo 'tong gawin sa 'kin, Alken? Bakit ba pinapahirapan mo ako ng husto? Hindi ka pa rin ba masaya sa kabila ng lahat ng 'to... sa kabila ng lahat ng ginawa mo sa akin? Kulang pa ba lahat? Ubos na ubos na ako, Alken. Pero sige kung hindi pa sapat sa 'yo ang lahat, saktan mo ako... kung gusto mo ay patayin mo na lang din ako para matapos na itong lahat na paghihirap na 'to," mando niya sa binata at hindi na niya napigilan ang sariling harapin ito at pagalitan. Kinuha niya ang kamay ng lalaki at pinilit niya itong sampalin siya sa kaniyang mukha. Binibigyan niya ito ng pahintulot na saktan siya hanggang sa magsawa ito sa kaniya. Ayaw man niyang maging masyadong matigas sa binata para pagbigyan ito sa kagustuhan nito, pero kahit gusto man niya itong paniwalaan ay napak

