"Ano ba ang mga sinasabi mo, Alken. Pwede bang magbihis ka na muna," maktol na utos ni Priya kay Alken at halatang hindi na ito mapakali dahil alam niyang nakahubad lang ang binata. Wala siyang marinig na bakas na ito ay gumalaw upang sundin ang payo niya. Patuloy pa rin niyang pinapakiramdaman ang binata at nararamdaman niyang ito ay nakatitig lang sa kaniya habang nakatayo pa rin sa dating pwesto. Kung sabagay ay hindi niya ito pwedeng utusan sa gusto niyang mangyari. Alam niyang hindi iyon ganoon kadali. Iba ang laman ng utak nito at gagawin lang nito ang gusto nitong gawin. Kung noon ay nalalakihan siya sa silid ng binata. Ngayon naman ay parang ang sikip na para sa kanilang dalawa ni Alken ang kwarto nito. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang init ng pakiramdam niy

