Nasasaktan na umalis si Dave palabas ng mansyon at ang akala ni Priya ay magpupumilit pa rin ito na isama siya matapos niya itong sigawan nang malakas. Alam niyang nasaktan niya si Dave dahil pinaramdam niya sa binata na mas pinili niya si Alken kaysa sa kaniya. At ang akala rin ni Priya ay magtatalo na naman silang dalawa ni Alken. Magkahawak ang dalawa niyang mga kamay habang nanginginig ito sa kaba at takot. Kung tumatalon lang sana ang puso mula sa kinalalaynito ay baka kanina pa ito nawala sa sariling pwesto. Pero naisip din ni Priya na tama lang ang ginawa niyang pagtatabuyan kay Dave, para rin iyon sa kaniya. Hindi na baleng silang dalawa ni Alken ang magtalo at mag-away, basta't ang importante ay hindi na madamay pa ang kaniyang kaibigan. Hindi siya nagsisisi na ginawa

