GUMAWA si Derek ng bonfire. Ito ang nagsisilbing ilaw nila. Inihanda ni Farah ang hapunan nila. Iyon din ang ulam nila nang tanghali. Ang hatol ni Derek sa adobo niya, kailangan pa raw niya ng sampung beses na pagluluto ng adobo para mapantayan niya ang adobo ng mommy nito. Ibig sabihin, malabong mamahalin siya nito. Hindi siya nakaligo sa dagat noong hapon dahil ang sabi ni Derek, contaminated na raw ang dagat at may posibilidad na may mga lamang dagat na affected ng virus. Hindi na rin natuloy ang balak nilang pangingisda. Ang ending, nag-beach walk sila habang nagkukuwentuhan. Hindi pa rin niya maintindihan si Derek, kung bakit sinasabi nito na ang pagmamahal ay isang malaking bitag. May kinuhang malaking bato na patag sa itaas ng isla si Derek. Ito ang nagsisilbing lamesa nila. Doon

