PAGDATING sa academy ay sinuri kaagad ang mga na-rescue na hayop para malaman kung meron ba sa mga ito ang may sentomas ng virus. Naligo kaagad si Farah pagdating niya sa kuwarto. Natalsikan kasi ng dugo ng halimaw ang damit niya. Pagkatapos ay dumeretso na siya sa food center. Nagugutom siya pero pakiramdam niya’y hindi niya magawang lunukin ang pagkain dahil hindi maalis sa isip niya ang mga halimaw. May trauma na ata siya. Nandidiri pa rin siya sa mga hitsura ng mga iyon. Kumuha siya ng pagkain sa counter saka pumuwesto sa pandalawahang lamesa sa may dulo ng kainan. Iilan lang ang kumakain dahil oras pa ng klase. Pasado alas-nuwebe na kasi ng gabi. Habang mahinhing sumusubo ay bigla namang dumapo sa isipan niya ang lalaking tumulong sa kanya. Aywan niya bakit nakadama siya ng pamilyar

