NAIWANG nakatayo sina Dale at Cathy sa harap ng gate ng bahay. “P-Pasok ka muna, n-nasa loob din si Deile.” Nauutal na wika ni Cathy, ang dibdib niya ay malakas din ang kabog. At hindi malaman kung paano kikilos sa harap ni Dale ngayong alam na nito na anak niya ang kambal na sina Jayden Dyle at Dhel Jordan. Kaya nang maglakad papasok sa loob ang binata agad siyang sumunod dito. “Please sit down.” Itinuro niya ang mahabang sofa at dumeretso sa kusina para ikuha si Dale ng maiinom. Habang nasa kusina si Cathy ay sumandal lang si Dale at ipinikit ang mga mata. Medyo masakit iyon, dala siguro ng mahabang pagmamaneho. “Dada!” Sabay pakarga ng anak na si Jordan kay Dale na niyakap naman agad niya. “Baby . . .” Hinalik-halikan niya ang buhok ng anak habang nakasubsob ito sa balikat niya. Na