Nilapitan niya si Jessica na hanggang ngayon ay parang hindi pa rin makakilos sa labis na pagkabigla sa mga nangyayari. Ni hindi nito nagawang alisin ang mga icing sa mukha. Nagulat na lang ito nang biglang hilahin ni Vivian ang mahabang buhok nito. Sa sobrang lakas niyon ay halos matanggal na sa anit ang buhok nito. "Aray! Tama na, Vivz!" malakas na sigaw nito habang umiigik sa sobrang sakit. Pinipilit nitong hawakan ang kamay niya para pigilan pero mas pinalakas pa si Vivian ng sobrang galit niya at hindi makabitaw sa kaniya si Jessica. Hinila niya ito sa buhok at isinubsob pa sa nagkalat na cake. "Ang landi-landi mo! Ahas kang kaibigan! Ito pa ang gagawin mo sa'kin? Ang igaganti mo? Pagkatapos kitang patirahin, pakainin at bihisan nang libre dito sa pamamahay ko. Walang hiya ka, Jes

