"Hon, tama na!" lakas loob na pigil uli sa kaniya ni Clinton nang makitang nasasaktan na niya nang todo si Jessica. Niyakap siya nito nang mahigpit pero pinagsusuntok niya rin ito nang malakas. "Bakit? Naaawa ka sa malanding ito, ha? Pero sa'kin na fiancee mo ay hindi ka naaawa." Nabaling dito ang matinding galit ni Vivian. "Bakit? Dahil natitikman mo siya kaysa sa'kin! Dahil mas malibog siya kaysa sa'kin? Ang gago mo Clinton! Tang-in* mong hayop ka! Kaya pala sobrang sweet mo sa'kin. Iyon pala ay panay na ang kain mo sa peanut butter. Ang baboy mo!" Pinilit niyang kumawala sa yakap ng nobyo. Nang hindi ito pumayag ay bumuwelo si Vivian at ubod ng lakas na tinuhod ang harapan nito. Dalawang beses. Gamit ang magkabilang tuhod niya. "Mabasag sana 'yang itlog mong baboy ka! Mabaog ka sana p

