Napansin niyang guwapo ang lalaki at matangkad. Mukhang hindi rin ito delikado. Sa tingin din ni Jheann ay mukhang type siya nito. Ano kaya kung patulan niya ito? Tutal, nagiging wild na rin naman na siya, bakit hindi niya subukan ang makipag-s*x? Ang s*x na dahilan kung bakit siya niloko at pinagtaksilan ni Clinton. Baka sakaling kapag gumaling na siya sa bagay na iyon ay hindi na siya iiwan ng mga susunod niyang nobyo. Puwede rin na patulan niya ang lalaking ito para malaman niya kung talaga bang may dating din siya sa mga lalaki katulad ni Jessica. Pero hindi iyon ang ipinangako mo sa sarili mo, Vivian. Nangako ka na patatagin at pagbutihin pa ang sarili, at hindi sisirain. mariing paalala ng kaniyang isip. Subalit hindi iyon madali. Hindi pala madali na muling buuin ang sarili,

