Payak lang iyon at kalahati lang yata ng kuwarto niya. Ngunit malinis at maayos iyon. At base sa pintura at mga nakasabit na display ay pag-aari iyon ng isang lalaki. Hinanap ni Vivian ang kaniyang bag at nakita naman niya iyon na nakalagay sa ibabaw ng maliit na lamesa. Pero walang silbi ang kaniyang cellphone dahil lowbat iyon. Maingat ang mga yapak na tinungo ni Vivian ang pintuan. Nakiramdam muna siya sa paligid bago pinihit ang doorknob. Nakahinga siya nang maluwag nang malaman na bukas lang iyon. Ibig sabihin, kung sino man ang taong nagdala sa kaniya sa lugar na iyon ay walang balak na ikulong siya o kaya ay gawin na bihag. Sa paglabas ni Vivian sa kuwarto ay sumalubong sa kaniya ang maliit na sala at karugtong lang ng kusina. Sa kabila ng kasimplehan ay maayos at malinis din ang

