CHAPTER 13-4

1069 Words

"Bakit kasi hindi gumagana ang ilaw dito sa loob?" mangiyak-ngiyak na kausap ni Vivian sa sarili niya. Hindi na kaya ng dalaga na manatili lang sa kuwarto at walang naaaninag na kaunting liwanag. Kung may bintana lang sana doon ay puwede niya iyong buksan para makapasok ang liwanag ng buwan. Humigit ng malalim na hininga si Vivian bago naglakas ng loob na lumabas ng kuwarto. Dahan-dahan at maingat lang ang bawat galaw niya para hindi siya mabunggo o matalisod. Nabuhayan ng pag-asa ang dalaga nang sa paglabas niya ng kuwarto, kahit papaano ay may naaaninag na siya dahil nakabukas pa ang isang bintana at may pumapasok doon na liwanag mula sa sinag ng buwan. Aktong hahanapin na ni Vivian ang switch ng ilaw doon nang may marinig siyang kaluskos. Kumaripas siya ng takbo pabalik sa kuwarto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD