Ang akala ni Vivian ay hahayaan na lang ni Stephen na kakain sila na wala man lang kahit kaunting liwanag sa paligid. But to her surprise, bigla na lang itong nagsindi ng kandila at inilagay iyon sa isang sulok na malapit sa kaniya. Sinadya ng binata na hindi ito maabot nang kahit kaunting liwanag. Kaya ang ending, hindi pa rin siya nakasilay. "Makakakain ka na ba niyan?" tanong nito sa kaniya. "Puwedeng-puwede na." She smiled at him. "Thank you so much." Umungol lang si Stephen bilang sagot. Mayamaya ay nilagyan nito ng mga pagkain ang pinggan ni Vivian na ikinagulat na naman niya. "Sorry kung malamig na ang pagkain. Malayo pa kasi ang nilakbay niyan, eh." "It's okay. Nakikikain na nga lang ako, eh. Choosy pa ba ako?" Hindi na naman umimik ang binata. Kaya hindi tuloy alam ni Vivia

