Nang makita ni Vivian na nasa tabi ni Stephen ang kandila na sinindihan nito ay nakasilip siya ng chance na makita ang pagmumukha nito. Kaya naman dahan-dahan siyang bumalik sa kusina para sumilip. Pero nagulat ang dalaga nang sa b****a pa lang ay nakasalubong na niya ang binata. Hindi nila iyon inaasahan parehas kaya nagbunggguan na naman sila at sa pagkakataong iyon ay mga bibig na nila ang naglapat. Nanlaki ang mga mata ni Vivian nang maramdaman niya ang malalambot na mga labi ni Stephen. Ngunit bago pa man siya atakehin sa puso dahil sa sobrang bilis ng pintig ng puso niya ay mabilis na siyang lumayo rito. "I-I'm sorry," sabay pa nilang sabi sa isa't isa at sandaling nagkailangan. She was stunned. Daig pa niya ang nagka-first kiss dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Pakiramdam n

