Napalunok si Vivian. Siya ngayon itong nalagay sa hot seat at hindi alam ang isasagot. Hanggang sa naulinigan niya ang sarili na nagsalita. "Oo naman. Sapat na sa'kin ang nakaligtas sa posibleng gang r**e nang dahil sa'yo. It's enough for me to trust you." "Silly. I told you, anyone can be dangerous. So don't trust easily. Ikapapahamak mo na naman iyon." Nasa boses nito ang magkahalong panenermon at pag-aalala. Napangiti siya nang mapait. Tinamaan siya sa sinabi ni Stephen. Nasaktan siya ni Clinton dahil nagtiwala siya. At muntik naman siyang ipahamak ni Thomas dahil nagtiwala na naman siya. Eh, sa'yo kaya? baling niya kay Stephen pero hindi magawang isatinig iyon. "Iyon lang ang maipapayo ko sa'yo. 'Wag agad-agad magtitiwala sa mga taong nagpapakita sa'yo ng kabaitan. Even to someone

