O baka naman masiyado lang niyang pinapaasa ang sarili niya? Oo nga. Baka assuming lang talaga siya. Nakakahiya kapag nabasa na naman ni Stephen ang tumatakbo sa isip niya. Tumikhim si Vivian at saka humarap na nang tuluyan kay Stephen Lumakas na ang loob niya na gawin iyon nang mapagtantong madilim nga talaga sa paligid at imposibleng makita pa nito ang pagba-blush niya. Ito nga, eh. Wala talaga siyang makita sa mukha nito. Baka mga ngipin lang nito ang makikita niya kapag nagsalita ito. "Paano mo naman nasabing maganda ang view kung hindi naman na natin nakikita ang dagat?" patay-malisya na tanong niya rito. "Immune na rin sa magaganda ang mga mata ko kaya kahit madilim ay alam ko kung maganda o hindi ang kaharap ko. Lalo na kung katulad mo." Lihim na napalunok si Vivian nang mara

