"Bakit ko naman iyan magugustuhan?" she hissed para pagtakpan ang pagba-blush niya. Marahas niyang ipinilig ang ulo. "Normal na lang 'yan dito." Ice smirked. "Sabagay, sanay ka na nga palang makakita niyan. Sa ex-fiance mo pa lang nga no'n, 'di ba?" Lalong namula ang mukha ni Vivian. Tinapunan niya ito ng nakamamatay na tingin pero hindi niya itinama ang matagal nang iniisip nito. "Umalis ka nga sa harapan ko." Nang hindi pa rin ito umaalis ay siya na ang kusang tumalikod. Arouse na arouse pa rin kasi ang harapan nito. At hindi siya santa para hindi rin makaramdam ng pag-iinit sa kaniyang kaibuturan. "Humarap ka sa'kin," mayamaya ay utos ni Ice sa kaniya. Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa sahig at nakahalukipkip. "Pakalmahin mo muna iyang alaga mo at baka bigla na lang manukl

