"F*ck!" sabi nito na pulang-pula ang mukha. Dumiin ang pagkakahawak nito sa kutsara't tinidor habang maitim ang mga matang nakatitig kay Vivian at nagngangalit ang mga bagang. "What now? Ibibili mo ako o isasama mo ako?" pang-aasar pa niya rito. "O kaya, kay Erwin na lang ako magpapabili at ipapahatid ko na lang dito." Padabog itong tumayo at kinuha ang mga tsinelas sa paa niya at ipinatong ang mga paa niya sa stand ng lamesa. Pagkatapos ay tumayo na at aktong iiwanan na siya. "Paano ako makakaalis dito?" pahabol na tanong dito ni Vivian. Binalingan siya ni Ice. Ilang sandali na nakatingin lang ito sa kaniya bago walang kibo na binuhat siya nito sa bridal position uli at dinala sa sofa. Pahiga na inilapag siya nito para hindi sumayad ang mga paa niya sa sahig. "Thank you, ha?" naka

