CHAPTER 33-2

728 Words

Baka mamaya ay makarating pa kina Daddy Herardo at Kuya Hendrix ang gagawin niya. Nakakahiya! Baka itakwil pa siya ng mga ito. Ngunit ang labis na pumipigil kay Vivian para gawin iyon ay ang takot. Takot siya na baka i-reject at pagtawanan lang siya ni Ice. Ni hindi nga siya nito kayang halikan. Ilang beses nang muntik-muntikan na mangyari iyon pero sa tuwina ay hindi natutuloy dahil siguro hindi ganoon kalakas ang dating niya sa binata at hindi sapat ang ganda at katawan niya para maakit ito sa kaniya. O marahil ay matindi lang talaga ang self-control nito at ayaw sirain ang trabaho at tiwala na ipinagkaloob dito ng boss na si Kuya Hendrix. I don't kiss my boss. naalala niyang sabi noon ni Ice nang akala ni Vivian ay hahalikan na siya nito. "Bakit hindi ka na lang sumama sa'min mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD