Napatingin si Vivian sa mga plastic bag na dala-dala nito kanina. Naaaninag niya mula roon ang mga pinapabili niya rito kanina. May nakita rin siyang tsinelas na pambabae. Hindi rin pala siya nito natiis. At ngayon pa lang ay nai-imagine na niya ang hitsura ni Ice habang pinapamili ang mga iyon. Bit he didn't even care. Ibinili pa rin siya nito. Pero hindi iyon ang concern ngayon ni Vivian kung hindi ang hiyang nararamdaman niya dahil nahuli siya nitong tumatakas. "Don't push me too hard, Vivian." Namumula na namaywang si Ice habang galit pa rin nakatingin sa kaniya. "'Wag mo akong pilitin na ibigay sa'yo ang parusa na hinding-hindi mo magugustuhan kapag napuno ako sa katigasan ng ulo mo." "G-gusto ko lang naman lumabas with my friends." "Gusto mong lumabas?" He smirked. "Then, no.

