Ano nga kaya ang nangyari at biglang bumait uli sa kaniya si Ice? Hindi kaya bait-baitan lang ito para matuloy ang dapat na nangyari sa banyo kanina. Bakit, self? Ano ba ang dapat na nangyari sa inyo ni Ice kanina? sita sa kaniya ng mahaderang pag-iisip niya. Kung tutuusin, kayang-kaya naman ni Ice na pagsamantalahan siya kanina. Hindi naman niya magagawang tumanggi. Sigurado iyon. Pero hindi pa rin nito ginawa. "Hey, are you okay?" Bumalik sa kamalayan niya si Vivian nang pumitik si Ice sa harapan niya. Her cheeks blushed when she caught him staring at her intently. Mabuti na lang at wala itong superpower para magbasa ng pag-iisip ng ibang tao. Kung hindi ay sobrang nakakahiya sana. Mabuti na lang din at hindi ito si Stephen na kayang-kaya basahin ang tumatakbo sa isipan niya sa

