Ngayon na narinig niya mula kay Ice ang mga iyon ay nanumbalik ang paghihinampo ni Vivian sa ama at kapatid. Katulad nang naramdaman niya noong unang nalaman niya na ipapadala siya rito para dito na manirahan. "Gano'n nga dapat, eh. Pero bakit hindi nila ako tinatanong?" puno ng lungkot at hinanakit ang boses ni Vivian. "Bakit feeling ko, kahit mahal na mahal nila ako, ayaw nila akong makasama? Bakit mas gusto pa nila na malayo ako sa kanila?" "Siguro dahil alam nila na mas mapapabuti ang buhay mo kung malayo ka sa kanila." Masuyong hinaplos ni Ice ang buhok niya. "Minsan kasi, kahit mahal na mahal mo ang isang tao at masakit sa'yo na malayo ka sa kaniya, mapipilitan kang ilayo siya kung alam mong mas magiging okay siya na hindi kayo magkasama." Pagak na natawa si Vivian sa paliwanag n

