Natigilan ang dalaga. Isa pa iyon sa mahiwagang sinabi ni Stephen na nagbibigay sa kaniya ng duda na ito at si Ice ay iisa lang. Dahil si Ice ay palaging nasa tabi niya at binabantayan siya. Gayon pa man ay lihim na umaasa ang ibang parte ng puso ni Vivian na sana magkaiba ang dalawa. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil hindi niya alam kung matatanggap ba niya na niloloko siya, at pinaglalaruan ni Ice ang feelings niya. Pareho niyang gusto ang dalawang lalaki. Pero umaasa ang dalaga na hindi sila iisa. At habang maaga pa, habang hindi pa tuluyang nahuhulog ang loob niya alin man kina Stephen at Ice, dapat ay malaman na niya ang totoo. Habang nakatitig sa kaniya si Ice ay bigla na lang lumambitin si Vivian sa leeg nito. "Kapag ba tapos na ang two days na parusa ko, puwede na akon

