ALTHEA POV Sinalubong ng kambal si Jason na kakarating lang mula sa trabaho. Dinala siya ng mga bata sa living room at doon naglalaro. Hindi alintana ni Jason ang pagod mula sa trabaho dahil tutok ito sa pagpapasaya sa dalawang bata. Mula dito sa kinatatayuan ko. Kitang-kita ko kung paano sumisilay ang ngiti sa mga labi ng mga anak ko. Sobrang saya ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ang mga ngiti at tawa nila. Minsan iniisip ko na sana si Sean ang kasama namin. Nakamove on na ako. Ang lagi kong naiisip ay ang mga bata. Kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang nangyare sa amin ng totoong daddy nila. Hindi habang buhay kong matatago sa kambal ang totoo. Sana lang ay hindi kami magkita ni Sean dahil ko alam ang gagawin. Pano pa kaya sa kambal. Hindi niya alam na nagkaanak kami. Al